Makilakbay, makimisyon sa simbahan; panawagan ng obispo sa mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,292 total reads

Tuloy-tuloy at walang pinipiling panahon ang pagiging Katoliko.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa ginanp na 4th General Assembly of the Diocesan Council of the Laity of Imus noong September 23.

Ayon sa Obispo, hindi sapat ang pakikibahagi lamang ng bawat Katoliko sa mahahalagang pagdiriwang ng Simbahan sa halip ay dapat na maging masigasig at isabuhay ang pagiging Katoliko maging sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Paliwanag ni Bishop Evangelista, ang pagiging Katoliko ay tuloy-tuloy at walang pinipiling panahon kung saan tinatawagan ng Panginoon ang bawat isa upang sama-samang maglakbay at isulong ang mga misyon at adbokasiya ng simbahan.

“Buhay ang ating mga programa sa Diocese. Sumabay lang kayo. Hindi sapat na may Misa tuwing Linggo, may Karakol tuwing piyesta, o may Simbahang Gabi tuwing malapit na ang Pasko. Ang pagiging Katoliko natin, tuloy-tuloy at walang pinipiling panahon. Ang gusto ng Diyos sa atin, sama-sama tayong naglalakbay.” ang bahagi ng mensahe ni Bishop Evangelista.

Tema ng 4th General Assembly of the Diocesan Council of the Laity of Imus ang “Enabled laity key to a successful Synodal journey” na naglalayong hikayatin ang mga layko na maging aktibong katuwang ng Simbahan sa pagsusulong.

Sa nakalipas na paggunita ng National Laity Week, binigyan diin ang pagbibigay ng Simbahan sa mga layko sa kanilang mahalagang tungkulin at misyon bilang katuwang ng simbahan sa ebanghelisasyon at pagsasakatuparan ng kaligtasan sa sanlibutan.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,438 total reads

 2,438 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,027 total reads

 54,027 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,393 total reads

 139,393 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,129 total reads

 186,129 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,001 total reads

 234,001 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,379 total reads

 335,379 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top