UP-PGH Chaplaincy, dismayado sa kakulangan ng pondo para sa 2024″

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,920 total reads

Dismayado ang Head Chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy sa posibilidad na walang matatanggap na alokasyon ang pagamutan para sa susunod na taon.

Ayon kay PGH head chaplain, Fr. Lito Ocon, SJ, malaking pasanin ang kakaharapin ng institusyon sakaling tuluyang hindi mabigyan ng pondong kinakailangan para sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan.

Ang pahayag ng pari ay kaugnay sa 2024 budget hearing ng kongreso kung saan kabilang sa tinatalakay ang pinagtatalunang P125-milyong Confidential at Intelligence Fund (CIF) ng Office of the Vice President (OVP).

“It was easy for them to transfer P125-million to the OVP for CIF but so difficult to request even a fraction of their CF for hospital equipments,” pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng pari na ang malaki at kontrobersyal na pondong hinihiling ng tanggapan ng ikalawang pangulo ng bansa ay nakakaapekto sa ibang ahensya, institusyon, at tanggapang higit na nangangailangan ng pondo para sa basic social services.

Bagamat mayroong mga natatanggap na tulong at donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal at grupo, iginiit ni Fr. Ocon na kailangan pa rin ng PGH ang suporta ng pamahalaan upang maipagpatuloy ang maayos na serbisyo lalo na sa mga mahihirap na pasyente.

“Ilang milyon lang naman sana ang kailangan ng PGH. Kung ginawa nila ‘yang pag-transfer ng funds to PGH or to any government hospitals, I don’t think may mag- complain… Nakakalungkot, nakakagalit, nakakainis pakinggan ang budget hearing kung paano sila gumagastos, at plano pang humingi ng malaking budget,” ayon kay Fr. Ocon.
Nagsimulang bumaba ang inilalaang pondo sa PGH noong 2020 nang lumaganap ang coronavirus pandemic sa bansa.

Sa General Appropriations Act of 2021, natanggap ng institusyon ang P6.9-bilyong pondo, P6.3-bilyon noong 2022, habang P5.9-bilyon naman ngayong taon.

Magugunita noong kasagsagan ng pandemya ay nanguna ang UP-PGH sa pagtanggap sa mga COVID-19 patients, habang nagpapatuloy naman ang chaplaincy sa aktibong pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap na pasyente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 25,725 total reads

 25,725 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 48,583 total reads

 48,583 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 85,083 total reads

 85,083 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 305,708 total reads

 305,708 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,857 total reads

 338,857 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,324 total reads

 98,324 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top