“Business-as-usual culture” sa Pilipinas, napapanahon ng maalis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,824 total views

Suportado ng Living Laudato Si’ Philippines ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa inilabas na apostolic exhortation na Laudate Deum.

Layunin ng Laudate Deum na suportahan ang ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si’, at higit na ipaunawa ang mga dapat tugunan sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan mula sa labis na pang-aabuso at pinsala.

Ayon kay LLS Philippine executive director Rodne Galicha, kailangan nang matugunan at mahinto ang paulit-ulit na dahilan ng mga pinuno mula sa mga pampubliko at pribadong sektor na isinasantabi ang tungkuling pahalagahan ang kalikasan para sa pansariling kapakinabangan.

“Whether you listen to science, faith, or economics, they all say the same exact message: the current “business-as-usual” culture, marked by fossil fuels, pollution, prioritization of profit over people and planet, and more, will simply lead to catastrophes which any amount of neither money nor power would stop.” pahayag ni Galicha.

Inihayag naman ni Galicha ang kahalagahan ng paglipat at pamumuhunan sa malinis na enerhiya, at talikuran na ang fossil fuels na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran upang mapigilan ang tuluyang pag-init ng daigdig na nagreresulta sa krisis sa klima.

Iginiit din nito ang pagpapanagot sa mga industriyang nangunguna sa paglikha ng polusyon at pinsala sa kapaligiran tulad ng pagmimina, at pagsira sa kabundukan at kagubatan kaya higit pang lumalakas ang mga kalamidad at sakunang dumadaan sa bansa.

“This takes on an even greater significance for the Philippines, which experienced the wrath of super-typhoon Haiyan nearly ten years ago and changed how Filipinos and the rest of the world view [loss and damage] as an issue.” saad ni Galicha.

Panawagan din ni Galicha ang pangunguna ng simbahan sa nalalapit na United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit sa Dubai sa Nobyembre hanggang Disyembre upang makibahagi sa paglikha ng mga panuntunang magtataguyod laban sa pagbabago ng klima.

Isinapubliko ang Laudate Deum noong ikaapat ng Oktubre, kasabay ng kapistahan ng patron ng sangnilikha na si San Francisco ng Asis, at pagtatapos ng paggunita sa Season of Creation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 12,683 total views

 12,683 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 14,893 total views

 14,893 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 88,272 total views

 88,272 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 101,830 total views

 101,830 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 130,354 total views

 130,354 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top