Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total views

27th Sunday in Ordinary Time Cycle A

Indigenous Peoples’ Sunday

Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43

Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay.” Talagang kailangan natin ang ganitong payo kasi madali tayong maguluhan, madali tayong mangamba, puno tayo ng worry sa maraming bagay. Oo kailangan tayong mabahala sa mga responsibilidad natin sa buhay, pero hindi kailangang mabalisa, hindi kailangang maguluhan. Ano kaya ang maari nating gawin upang hindi tayo mabalisa?

May tatlong paraan na sinasabi sa atin sa mga pagbasa natin ngayong Linggo. Una: “Hingin natin sa Diyos ang lahat ng ating pangangailangan sa panalangin ng may pasasalamat.” Hindi tayo nag-iisa sa pagdadala ng ating mga tungkulin. May kapartner tayo. Nandiyan ang Diyos. Humingi tayo ng tulong sa kanya; ginagawa natin ito sa ating pagdarasal. Pero hindi lang basta anong pagdarasal. Magdasal tayo ng buong tiwala na humihingi pa lang nagpapasalamat na, kasi alam natin na pagbibigyan tayo ng Diyos. Kung tayo mismo ay nagdududa kung pagbibigyan ba tayo, paano niya tayo diringgin? Kung buo ang tiwala natin, hindi tayo bibiguin ng Diyos na nagmamahal sa atin. Kaya humihingi pa lang, nagpapasalamat na tayo.

Pangalawang paraan para hindi tayo mabalisa: Punuin natin ng magagandang bagay ang ating isip. Huwag tayong maging negative sa ating pananaw. Kaya nga sinabi ni San Pablo: “Dapat maging laman ng inyong pag-iisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri, mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig at kagalang-galang.” Isipin natin ang mga ito. Think positive thoughts. Maraming nagpapabigat sa ating damdamin at nanggugulo sa ating mga kaisipan ay ang mga negatibong pag-iisip. Kaya piliin natin at dalisayin ang ating iniisip, at susunod na rin ang magagaang damdamin.

Pangatlong paraan para huwag tayong mabalisa ay gawin natin ang inaasahan ng Diyos sa atin. May inaasahan ang Diyos at kumilos siya upang ito ay mangyari. Ipinaghanda niya ang lahat upang makuha ang resulta na kanyang inaasahan. Sa ating unang pagbasa at sa ating ebanghelyo, kumilos ang may-ari ng ubasan. Siya ang nagtanim ng piling ubas. First class na binhi ang kanyang tinanim. Binakuran pa niya ang ubasan. Nagtayo pa siya ng tore upang mabantayan ang tanim. Ganoon na lang ang pag-asa niya na gumawa pa siya ng pisaan ng ubas upang ito ay gawing alak. Handa na ang lahat. Pero malaki ang pagkabigo niya kasi ang inaasahan niya ay hindi nangyari. Sa unang pagbasa, ang tumubo ay ligaw na ubas, hindi iyong first class na ubas na kanyang tinanim. Ang sumibol ay maliliit at mapapait. Sa ating ebanghelyo umaasa siya ng kanyang kaparte sa ani ngunit hindi ito binigay ng mga katiwala. Ayaw nilang ibigay ang kaparte ng may ari at gusto pa nilang angkinin ang ubasan kaya pinatay nila ang anak ng may-ari.

Ang ubasan ay ang bayan ng Diyos. Tayo ang ubasan na inalagaan ng Diyos. Dahil sa pag-alaga niya sa atin nag-aantay siya ng mabubuting gawa at pagmamahalan, pero pinagsasamantalahan natin ang kapwa. Naghahanap siya ng katarungan ngunit pang-aapi at corruption ang nangyayari sa ating bayan. Limang daang taon na niya inaalagaan ang pananampalataya sa ating bansa, bakit tayong Kristiyanong bansa ay kilala sa corruption sa ating pamahalaan? Huwag nating sisihin ang mga opisyales kasi tayo ang bumoto sa kanila. Tayo ang lumuklok sa kanila. Nagpadala tayo sa mga pangako nila o nagpabayad pa. Nasaan na ang twenty pesos na isang kilo na bigas? Nasaan na ang pangakong mawawala ang droga sa bansa sa loob ng anim ng buwan? Ang daming pinatay dahil sa pangakong ito! Bakit ang mga leaders natin ngayon na humihingi ng confidential funds? Aanhin ang confidential funds sa education? Hindi nga maayos ang mga classrooms, confidential funds pa ang hinihingi. Huwag natin sisihin ang mga opisyales kasi hindi lang na tayo ang lumuklok sa kanila, ngayong nalalaman na natin ang katiwalian na kanilang ginagawa, tahimik pa tayo. Nilulunok na lang natin ang pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan. Kasama na rin tayo sa kanilang kasamaan at corruption.

Sa ating ebanghelyo ang inaasahan na kaparte ng may-ari ay hindi ibinigay. Ang mga katiwala ay nagpapanggap na may-ari. Inaangkin nila ang hindi sa kanila. Pinatay pa nga ang anak ng may-ari para mapasakanila na ang mana! Iyan ay nangyayari kapag hindi tayo nagbabalik handog. Hindi tayo nagbibigay ng panahon sa pagdarasal at pagsisimba – busy kasi. Hindi ba may bahagi ang Diyos sa oras natin? Hindi lang natin ibibigay ay iyung tira-tirang oras natin. Magdarasal lang ba tayo kung may panahon? Ihahanap at bibigyan natin siya ng panahon. Ang araw ng Linggo ay Araw ng Panginoon. Hindi na iyan atin! Bakit inaaakin pa natin ang Araw ng Panginoon? Kaya pati sa araw ng Linggo nandoon tayo sa basakan, nasa laot tayo, o gumagawa ng school work. Kaya kahit na anong kayod natin ganito pa rin ang buhay natin, kasi hindi naman tayo humihingi ng tulong Diyos. Hindi naman natin kinikilala ang mga biyaya niya. Paano niya tayo pagpapalain?

Binibigyan tayo ng Diyos ng kakayahan o talento. Iba-iba ang mga biyaya niya sa atin. Nagbabalik handog ba tayo ng serbisyo sa kanya? Kapag nagpatawag ng bayanihan, nakikiisa ba tayo? Kapag may gawain sa simbahan o sa communidad, tumutulong ba tayo? Nagbabalik handog tayo kasi nagpapasalamat tayo sa mga biyaya na kinikilala natin na galing sa Diyos.

Ang balik handog ay tanda rin ng ating tiwala sa Diyos. Nabibigay tayo sa Diyos kasi alam natin na hindi naman niya tayo pababayaan. Kaya may bahagi din ang Diyos sa pera na ipinagkaloob niya sa atin. Nagbibigay ba tayo ng regular sa kanya na regular naman niya tayong binibigyan?

Magiging mapayapa ang loob natin kung sinisikap nating gawin ang inaasahan ng Diyos sa atin. Umaasa siya na maging mabuting katiwala tayo na nagbibigay ng kaparte niya ng ating panahon, serbisyo at yaman. Umaasa siya na mamumunga tayo ng kabutihan at katarungan kasi inaalagaan niya tayo at hindi naman pinababayaan.

Isang pang inaasahan niya ay ang igalang natin at suportahan ang ating mga kapatid na katutubo. Marami sila – higit na sampung milyon dito sa ating bansa. Dito sa Palawan malaki ang kanilang bilang. Pero madalas hindi sila napapansin kasi isinasantabi sila ng ating lipunan. Doon sila nakatira sa mga bundok at gubat. Marami sa kanila ay hindi nakapag-aral. Iba ang kaugalian nila; marami pa nga ay mahiyain. Kaya ngayong Indigenous People’s Sunday pinapaalaala ng simbahan na sila ay bahagi ng ating lipunan at simbahan. Pakinggan natin sila. Isaalang-alang natin sila. Matuto tayo sa kanila, lalo na sa kanilang pagpapahalaga at mahigpit na kaugnayan sa Inang Kalikasan. Tulungan natin silang kilalanin at igalang ang kanilang lupang ninuno. May second collection tayo sa misa ngayon para po sa ating IP Apostolate. Ang pagpapahalaga sa mga taong isinasantabi, at kasama na dito ang mga kapatid nating katutubo, ay bahagi ng katarungan na inaasahan ng Diyos sa atin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 39,193 total views

 39,193 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 61,259 total views

 61,259 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 76,955 total views

 76,955 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 84,363 total views

 84,363 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 145,642 total views

 145,642 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily June 28, 2026

 11,986 total views

 11,986 total views 13th Sunday in Ordinary Time Cycle A St Peter’s Pence Sunday 2 Kgs 4:8-11.14-16 Rom 6:3-4. 8-11 Mt 10:37-42 Madaling sagutin ang tanong:

Read More »

Homily June 21, 2026

 15,055 total views

 15,055 total views 12th Sunday of Ordinary Time Cycle A Father’s Day Jer 30:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito.

Read More »

Homily June 14, 2026

 18,152 total views

 18,152 total views 11th Sunday in Ordinary Time Cycle A Ex 19:2-6 Rom 5:6-11 Mt 9:36-10:8 Nababahala ang Diyos sa atin. Hindi niya tayo nilikha, nilagay

Read More »

Homily June 7, 2026

 21,680 total views

 21,680 total views Corpus Christi Cycle A Dt 8:2-3.14-16 1 Cor 10:16-17 Jn 6:51-58 Ang isang katangi-tanging tanda ng ating pagiging Katoliko ay ang pagtanggap natin

Read More »
Scroll to Top