Kahalagahan ng Pagiging Guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,128 total reads

Malaking responsibilidad ang pagiging guro, kapanalig. At ang responsibilidad na ito ay napakahirap, lalo na sa panahon natin ngayon kung saan kabi-kabila ang pressures ng tao. Ang mga guro natin ay hindi immune sa mga pressures na ganito. Katulad natin, may mga hamon din sila sa buhay – may mga pamilyang binubuhay at mga problemang iniinda sa gitna ng tuloy tuloy na pagtaas ng cost of living sa ating bayan.

Sa gitna ng mga hamon na ito, hindi dapat mawaglit sa isipan ng mga guro na ang karahasan o violence ay walang puwang sa ating lipunan. At kahit kailan hindi ito magiging tama. Hindi natin dapat binibwelta ang ating tension sa mga estudyante. Dapat ang guro ay modelo ng pasensya at kalawakan ng pag-unawa.

Ang mga guro ay katuwang ng pamilya at lipunan sa pagpapalaki ng ating mga kabataan. Sa murang edad pa lamang, ang mga bata ay nagpupunta na sa mga guro upang matuto. Ang mga guro ang nagiging gabay ng mga bata. Mula sa pagbabasa, pagsusulat, pagbibilang, sa guro ito karaniwang unang natutunan. Pati sa pakikisalamuha sa tao, sa guro din ito natutunan ng maraming kabataan. Sila ang partner ng mga mga magulang at nagsisilbing liwanag na nagbubukas ng kaisipan ng kanilang mga anak.

Sa ganitong papel ng mga guro, sila rin ang nagbubukas ng daan para sa pag-unlad ng bansa. Sa kanilang turo at gabay, nagiging maalam at eksperto ang mga kabataan. Kapag ang guro ay dedicated at tunay na mahal ang kanyang bokasyon, nahuhubog nila ang mga kabataan upang maging produktibong miyembro ng lipunan. Hindi matatawaran ang kanilang papel sa ating bayan.

Kapanalig, ang mga nangyayaring karahasan sa ating mga paaralan, kasama na rin ang mga reports ng grooming at pang-aabuso sa mga estudyante, ay ebidensya na hindi na natin naibibigay ang tamang suporta at pagsasa-ayos sa hanay ng mga guro sa ating mga eskwelahan. Maraming dedicated teachers na overworked na, underpaid pa rin, maraming teachers ang nangangailangan na ng mental health counseling, at marami na ring teachers, hindi natin matatatwa, ang hindi nababagay na makasama pa ng mga kabataan. Baka ito dapat ang tutukan ng Department of Education ngayon.

Dinggin sana natin ang payo nang A Call to Action o ng Octogesima Adveniens, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: Dadami ang mga taong hindi makahanap ng trabaho at maghihirap sa mga darating na taon kung mamanatili tayong walang konsensya at hindi magsasagawa ng mga mga paraan at pamumuhunan upang maisaayos hindi lamang ang ekonomiya at kalakalan ng bansa, kundi pati ang edukasyon.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 19,124 total reads

 19,124 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 53,494 total reads

 53,494 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,976 total reads

 89,976 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 108,188 total reads

 108,188 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 191,527 total reads

 191,527 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 19,125 total reads

 19,125 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 53,495 total reads

 53,495 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,977 total reads

 89,977 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 108,189 total reads

 108,189 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top