289 total views

27th Sunday in Ordinary Time Cycle A

Indigenous Peoples’ Sunday

Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43

Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay.” Talagang kailangan natin ang ganitong payo kasi madali tayong maguluhan, madali tayong mangamba, puno tayo ng worry sa maraming bagay. Oo kailangan tayong mabahala sa mga responsibilidad natin sa buhay, pero hindi kailangang mabalisa, hindi kailangang maguluhan. Ano kaya ang maari nating gawin upang hindi tayo mabalisa?

May tatlong paraan na sinasabi sa atin sa mga pagbasa natin ngayong Linggo. Una: “Hingin natin sa Diyos ang lahat ng ating pangangailangan sa panalangin ng may pasasalamat.” Hindi tayo nag-iisa sa pagdadala ng ating mga tungkulin. May kapartner tayo. Nandiyan ang Diyos. Humingi tayo ng tulong sa kanya; ginagawa natin ito sa ating pagdarasal. Pero hindi lang basta anong pagdarasal. Magdasal tayo ng buong tiwala na humihingi pa lang nagpapasalamat na, kasi alam natin na pagbibigyan tayo ng Diyos. Kung tayo mismo ay nagdududa kung pagbibigyan ba tayo, paano niya tayo diringgin? Kung buo ang tiwala natin, hindi tayo bibiguin ng Diyos na nagmamahal sa atin. Kaya humihingi pa lang, nagpapasalamat na tayo.

Pangalawang paraan para hindi tayo mabalisa: Punuin natin ng magagandang bagay ang ating isip. Huwag tayong maging negative sa ating pananaw. Kaya nga sinabi ni San Pablo: “Dapat maging laman ng inyong pag-iisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri, mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig at kagalang-galang.” Isipin natin ang mga ito. Think positive thoughts. Maraming nagpapabigat sa ating damdamin at nanggugulo sa ating mga kaisipan ay ang mga negatibong pag-iisip. Kaya piliin natin at dalisayin ang ating iniisip, at susunod na rin ang magagaang damdamin.

Pangatlong paraan para huwag tayong mabalisa ay gawin natin ang inaasahan ng Diyos sa atin. May inaasahan ang Diyos at kumilos siya upang ito ay mangyari. Ipinaghanda niya ang lahat upang makuha ang resulta na kanyang inaasahan. Sa ating unang pagbasa at sa ating ebanghelyo, kumilos ang may-ari ng ubasan. Siya ang nagtanim ng piling ubas. First class na binhi ang kanyang tinanim. Binakuran pa niya ang ubasan. Nagtayo pa siya ng tore upang mabantayan ang tanim. Ganoon na lang ang pag-asa niya na gumawa pa siya ng pisaan ng ubas upang ito ay gawing alak. Handa na ang lahat. Pero malaki ang pagkabigo niya kasi ang inaasahan niya ay hindi nangyari. Sa unang pagbasa, ang tumubo ay ligaw na ubas, hindi iyong first class na ubas na kanyang tinanim. Ang sumibol ay maliliit at mapapait. Sa ating ebanghelyo umaasa siya ng kanyang kaparte sa ani ngunit hindi ito binigay ng mga katiwala. Ayaw nilang ibigay ang kaparte ng may ari at gusto pa nilang angkinin ang ubasan kaya pinatay nila ang anak ng may-ari.

Ang ubasan ay ang bayan ng Diyos. Tayo ang ubasan na inalagaan ng Diyos. Dahil sa pag-alaga niya sa atin nag-aantay siya ng mabubuting gawa at pagmamahalan, pero pinagsasamantalahan natin ang kapwa. Naghahanap siya ng katarungan ngunit pang-aapi at corruption ang nangyayari sa ating bayan. Limang daang taon na niya inaalagaan ang pananampalataya sa ating bansa, bakit tayong Kristiyanong bansa ay kilala sa corruption sa ating pamahalaan? Huwag nating sisihin ang mga opisyales kasi tayo ang bumoto sa kanila. Tayo ang lumuklok sa kanila. Nagpadala tayo sa mga pangako nila o nagpabayad pa. Nasaan na ang twenty pesos na isang kilo na bigas? Nasaan na ang pangakong mawawala ang droga sa bansa sa loob ng anim ng buwan? Ang daming pinatay dahil sa pangakong ito! Bakit ang mga leaders natin ngayon na humihingi ng confidential funds? Aanhin ang confidential funds sa education? Hindi nga maayos ang mga classrooms, confidential funds pa ang hinihingi. Huwag natin sisihin ang mga opisyales kasi hindi lang na tayo ang lumuklok sa kanila, ngayong nalalaman na natin ang katiwalian na kanilang ginagawa, tahimik pa tayo. Nilulunok na lang natin ang pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan. Kasama na rin tayo sa kanilang kasamaan at corruption.

Sa ating ebanghelyo ang inaasahan na kaparte ng may-ari ay hindi ibinigay. Ang mga katiwala ay nagpapanggap na may-ari. Inaangkin nila ang hindi sa kanila. Pinatay pa nga ang anak ng may-ari para mapasakanila na ang mana! Iyan ay nangyayari kapag hindi tayo nagbabalik handog. Hindi tayo nagbibigay ng panahon sa pagdarasal at pagsisimba – busy kasi. Hindi ba may bahagi ang Diyos sa oras natin? Hindi lang natin ibibigay ay iyung tira-tirang oras natin. Magdarasal lang ba tayo kung may panahon? Ihahanap at bibigyan natin siya ng panahon. Ang araw ng Linggo ay Araw ng Panginoon. Hindi na iyan atin! Bakit inaaakin pa natin ang Araw ng Panginoon? Kaya pati sa araw ng Linggo nandoon tayo sa basakan, nasa laot tayo, o gumagawa ng school work. Kaya kahit na anong kayod natin ganito pa rin ang buhay natin, kasi hindi naman tayo humihingi ng tulong Diyos. Hindi naman natin kinikilala ang mga biyaya niya. Paano niya tayo pagpapalain?

Binibigyan tayo ng Diyos ng kakayahan o talento. Iba-iba ang mga biyaya niya sa atin. Nagbabalik handog ba tayo ng serbisyo sa kanya? Kapag nagpatawag ng bayanihan, nakikiisa ba tayo? Kapag may gawain sa simbahan o sa communidad, tumutulong ba tayo? Nagbabalik handog tayo kasi nagpapasalamat tayo sa mga biyaya na kinikilala natin na galing sa Diyos.

Ang balik handog ay tanda rin ng ating tiwala sa Diyos. Nabibigay tayo sa Diyos kasi alam natin na hindi naman niya tayo pababayaan. Kaya may bahagi din ang Diyos sa pera na ipinagkaloob niya sa atin. Nagbibigay ba tayo ng regular sa kanya na regular naman niya tayong binibigyan?

Magiging mapayapa ang loob natin kung sinisikap nating gawin ang inaasahan ng Diyos sa atin. Umaasa siya na maging mabuting katiwala tayo na nagbibigay ng kaparte niya ng ating panahon, serbisyo at yaman. Umaasa siya na mamumunga tayo ng kabutihan at katarungan kasi inaalagaan niya tayo at hindi naman pinababayaan.

Isang pang inaasahan niya ay ang igalang natin at suportahan ang ating mga kapatid na katutubo. Marami sila – higit na sampung milyon dito sa ating bansa. Dito sa Palawan malaki ang kanilang bilang. Pero madalas hindi sila napapansin kasi isinasantabi sila ng ating lipunan. Doon sila nakatira sa mga bundok at gubat. Marami sa kanila ay hindi nakapag-aral. Iba ang kaugalian nila; marami pa nga ay mahiyain. Kaya ngayong Indigenous People’s Sunday pinapaalaala ng simbahan na sila ay bahagi ng ating lipunan at simbahan. Pakinggan natin sila. Isaalang-alang natin sila. Matuto tayo sa kanila, lalo na sa kanilang pagpapahalaga at mahigpit na kaugnayan sa Inang Kalikasan. Tulungan natin silang kilalanin at igalang ang kanilang lupang ninuno. May second collection tayo sa misa ngayon para po sa ating IP Apostolate. Ang pagpapahalaga sa mga taong isinasantabi, at kasama na dito ang mga kapatid nating katutubo, ay bahagi ng katarungan na inaasahan ng Diyos sa atin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 74,293 total views

 74,293 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 85,086 total views

 85,086 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 90,492 total views

 90,492 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 127,575 total views

 127,575 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 139,221 total views

 139,221 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 3,752 total views

 3,752 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 6,508 total views

 6,508 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 6,508 total views

 6,508 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 6,497 total views

 6,497 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 9,998 total views

 9,998 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 6,497 total views

 6,497 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 6,492 total views

 6,492 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 6,492 total views

 6,492 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 6,493 total views

 6,493 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 14 2024

 10,792 total views

 10,792 total views Homily February 14 2024 Ash Wednesday Joel 2:12-18 2 Cor 5:20-6:2 Mt 6:1-6.16-18 Tulad ng sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, bilang pinadala ng Diyos, nanawagan kami sa inyo sa ngalan ni Kristo, makipagkasundo na kayo sa Diyos. Ngayon na ang panahon ng kaligtasan. Tanggapin na ninyo ang kaligtasang inaalok sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 13, 2024

 6,493 total views

 6,493 total views First Things First | February 13, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 12, 2024

 10,250 total views

 10,250 total views First Things First | February 12, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 11, 2024

 10,845 total views

 10,845 total views First Things First | February 11, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 11, 2024

 10,250 total views

 10,250 total views 6th Sunday of Ordinary Time World Day of the Sick Lev 13:1-2.44-46 1 Cor 10:31-11:1 Mk 1:40-45 Noong February 11, 1858 si Bernadette Soubirous, kasama ng dalawa pang batang babae ay pumunta sa may grotto ng Masabiel upang manguha ng panggatong. Bigla na lang may malakas na hangin mula sa grotto at doon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 10, 2024

 11,167 total views

 11,167 total views First Things First | February 10, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top