Filipino Bishops, nakiisa sa Filipino community sa Rome

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,915 total views

Ikinalugod ng mga Pilipino sa Italya ang pagdalaw ng mga opisyal ng simbahan sa Pilipinas sa kanilang komunidad.

Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, nagdiwang ng banal na Misa sa Sentro Filippino Chaplaincy sa Roma noong October 8 sina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.

Sinabi ni Fr. Gaston na siya ring National Coordinator of Filipino Chaplains in Italy na makabuluhan ang pagdalaw ng mga obispo sapagkat ipinakikita nito ang pakikiisa at pagmamalasakit sa mga Pilipinong mananampalataya sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“Their celebrations show the closeness of the Church to our Filipino migrants all over the world,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Kinilala ng pari ang tungkulin ng mga migrante sa pagpapalago ng pananampalatayang kristiyano bilang mga misyonero sa mga komunidad na kanilang kinabibilangan.

“Much has already been achieved, in that our OFW’s have been helping give life to the Church wherever they are; though this is still a work in progress, and much can still be done,” ani Fr. Gaston.

Kasalukuyang pinamunuan ni Scalabrinian missionary Fr. Ronan Ayag ang Sentro Filippino Chaplaincy na nangangalaga sa Filipino migrants sa Roma.

Samantala tiniyak din ni Bishop David na tutulungan ang komunidad sa pakikipag-ugnayan sa Italian Bishop Conference para sa natatanging programa ng chaplaincy na makatutulong mapalago ang samahan ng Filipino-Italians.

Ito rin ay bunsod sa suliraning ibinahagi ni Ryan Asinas ang pangulo ng Sentro Filippino Pastoral Council sa paglunsad ng Youth Camp para sa Filipino-Italian youths na layuning maipakilala ang kulturang Pilipino lalo’t magkakaiba ang tradisyon at kultura sa Italya gayundin upang mabuksan ang kamalayan ng kabataan sa kanilang tungkulin sa simbahang katolika.

Kasalukuyang nasa Roma sina Bishop David kasama sina Bishop Vergara, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Dr. Estella Padilla para sa 16th Ordinary Assembly of the Synod of Bishops na magtatapos sa October 29.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 31,240 total views

 31,240 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 73,132 total views

 73,132 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 127,175 total views

 127,175 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 154,296 total views

 154,296 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 170,083 total views

 170,083 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top