Pagkakasundo ng Israel at Hamas, ipinagdarasal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,121 total reads

Ipinanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpanibago tungo sa pagkakasundo ng mga sangkot sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas sa Gaza.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, vice chairperson ng CBCP migrants’ ministry, higit na kinakailangan ang pakikipagkasundo sa anumang hidwaan sa halip na pairalin ang karahasan dahil magdudulot lamang ito ng pagkasira ng pamayanan.

“We turn to God for the change of heart, for conversion that they renounce violence and give peace a chance. Conflicts are resolved thru dialogue.” pahayag ni Bishop Santos.

Apela ng obispo sa mananampalataya na magbuklod sa pananalangin para sa kaligtasan ng mamamayan ng Israel at Gaza mula sa pag-atake Hamas sa Sderot City, Israel noong October 7 na ikinasawi ng mahigit 1, 000 indibidwal.
Dalangin ni Bishop Santos ang kaliwanagan ng isip ng mga lider na magkasundo habang apela sa mga migranteng Pilipino sa lugar ang kahinahunan at manatiling alerto.

“We pray for restraint and goodwill to reign in everybody’s heart and mind. We appeal to our OFWs to keep themselves safe, follow our government instructions and pray with us for peace and harmony.” dagdag ni Bishop Santos.

Unang hiniling ng Filipino Catholics sa Israel ang panalangin para sa katiwasayan at kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestina upang matigil ang hidwaan para sa kapakinabangan ng mamamayan.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs may 30, 000 ang mga Pilipino sa Israel kung saan 150 rito ang nasa Gaza strip ang sentro ng kaguluhan kung saan marami rito ang nagnanais makauwi sa Pilipinas.
Sa 29 na Pilipinong naiulat na nawawala, 23 dito ang na-rescue at nasa pangangalaga ng embahada habang isa ang kasalukuyang ginagamot dahil sa mga natamong sugat.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 401 total reads

 401 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,704 total reads

 50,704 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,070 total reads

 136,070 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,806 total reads

 182,806 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,677 total reads

 230,677 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 332,200 total reads

 332,200 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top