Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang mahirap kung maunlad ang sektor ng agrikultura.

SHARE THE TRUTH

 3,714 total views

Ang paglutas sa mga suliranin na kinakaharap ng sektor ng agrikultura ang magiging mabisang paraan upang matugunan ng Pilipinas ang mga suliranin sa kahirapan at kakulangan ng pagkain.

Ito ang mensahe ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila sa patuloy na pagharap ng ating bansa sa mga suliraning pang-ekonomiya.

Ayon sa Pari, sa tulong ng sama-samang pagtugon ng pamahalaan,mamamayan at buong lipunan sa suliranin ng agrikultura ay makakamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain na magiging dahilan rin sa pag-ahon sa kahirapan maging ng mga magsasaka at mangingisda sa lipunan.

“Ang ating mga magsasaka at mangingisda sila po ang nagpapakain sa atin, sila ang nagpapalakas sa atin at nagpapahaba ng ating buhay, ang nakakalungkot, kung sino po ang nagpapakain sa atin ang siyang pinakamahirap na sektor, totoo po yan ang fisherfolks at farmers, naway magising po tayong lahat at maging responsable sa ating food crisis, suportahan po natin ang agri-sector,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.

Noong 2022 ay una ng naging pahayag ng Pari na sa pamamagitan ng Youth Servant Leadership Education Program ng Caritas Manila, mula sa limang libong YSLEP Scholars, isang libo sa bilang ang mga kumukuha ng agricultural related programs upang mahubog ang mga kabataan na maging susunod na tagapangasiwa at tagapagsulong ng agrikultura.

Ang mensahe rin ng Pari ay kaugnay sa mga naging paggunita ngayong linggo ng World Food Day at World Day for the Eradication of Poverty sa buong mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,197 total views

 26,197 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,297 total views

 34,297 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,264 total views

 52,264 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,325 total views

 81,325 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,902 total views

 101,902 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 9,050 total views

 9,050 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,563 total views

 7,563 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top