Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Epekto ng Manila bay reclamation, pinangambahan

SHARE THE TRUTH

 7,374 total views

Nangangamba ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa magiging epekto sakaling hindi tuluyang mahinto ang Manila Bay Reclamation Project.

Ayon kay PAMALAKAYA national chairperson Fernando “Ka Pando” Hicap, lubos nang apektado ang mga maliliit na mangingisdang nakatira sa paligid ng Manila Bay dahil sa patuloy na pagtatambak ng lupa sa dagat.

Sinabi ni Hicap nanganganib na tuluyang mawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda dahil sa kawalan ng nahuhuling isda, gayundin ang pangambang paalisin sa kanilang mga tahanan upang mabigyang daan ang mapaminsalang proyekto.

“More than just looking at the numbers, these are actual productive marine and aquatic ecosystems that will be destroyed by reclamation activities. Fisherfolk stand to lose up to 90 percent of their incomes and thousands will be displaced from coastal areas for these projects,” pahayag ni Hicap.

Sa tala ng Department of Environment and Natural Resources, 22 reclamation projects ang mayroong pahintulot sa Manila bay, kung saan 15 rito ang nasa bahagi ng Metro Manila habang ang nalalabing proyekto ay nasa karagatang bahagi naman ng Cavite, Bulacan at Bataan.

Una nang iniulat ng PAMALAKAYA na 300 pamilyang mangingisda ang nawalan ng tahanan dahil sa pagtatambak ng lupa sa karagatan sa bahagi ng Bacoor City, Cavite.

Iba pa ito sa mga apektadong coastal community dulot ng San Nicolas Shoal Seabed Quarrying Project sa baybayin ng Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, at Ternate na pawang mga bayan din ng Cavite.

Patuloy namang panawagan ng iba’t ibang makakalikasang grupo at human rights organization na higit na pagtibayin ang suspension order ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pamamagitan ng executive order na tuluyang magpapahinto sa lahat ng reclamation activity sa Manila Bay.

Nakasaad sa Laudato Si’ ni Santo Papa Francisco na magkaugnay na tungkulin ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon upang masaksihan ang kagandahan ng nag-iisang tahanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 58,283 total views

 58,283 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 80,059 total views

 80,059 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 103,960 total views

 103,960 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 211,464 total views

 211,464 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 235,147 total views

 235,147 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top