Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total reads

Ang Mabuting Balita, 19 Oktubre 2023 – Lucas 11: 47-54

PAGPAPAIMBABAW

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus, “Kawawa kayo! Ipinagtatayo ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinagpapatay ng inyong mga magulang. Sa ganitong paraan, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa mga ginawa ng inyong mga magulang; sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingang puntod ng mga yaon. Dahil dito’y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol; ang iba’y papatayin nila at uusigin ang iba.’ Sa gayo’y lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa pagpatay sa mga propeta buhat nang itatag ang sanlibutan, magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambanang sunugan ng mga handog at ng gusali ng Templo. Sinasabi ko sa inyo, lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa kanilang ginawa.

“Kawawa kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat inalis ninyo ang susi ng karunungan. Ayaw na ninyong magsipasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nagnanais pumasok.”

At umalis si Jesus sa bahay na iyon. Mula noon, tinuligsa na siya ng mga eskriba at ng mga Pariseo at pinagtatatanong tungkol sa maraming bagay, upang masilo siya sa kanyang pananalita.

————

Mukhang galit na galit si Jesus sa mga eskriba at Pariseo na nakikinig sa kanyang mga itinuturo, hindi upang mayroong matutunan kundi “upang masilo siya sa kanyang pananalita.” Sa kalaunan, bumalangkas sila na patayin siya. Ang lahat ng ito ay dahil nakikita ni Jesus ang kanilang PAGPAPAIMBABAW, ang kanilang pagkukunwari na magmukhang banal at relihiyoso sa harapan ng mga tao, bagama’t sinasabi nilang mga dalubhasa sila sa Kautusan. Marahil, galit na galit si Jesus sa kanila sapagkat paano maliligtas ang ganitong uri ng mga tao?

Paano tayo maliligtas kung sa tingin natin hindi natin kailangan ang kaligtasan?

Pagnilayan natin itong awit na isinulat ni Fr. Fruto Ramirez, S.J., PANGINOON, AKING TANGLAW –

Panginoon aking tanglaw;

Tanging ikaw ang kaligtasan.

Sa panganib ingatan ako;

Ang lingkod mong nananalig sa ‘yo.

Ang tawag ko’y ‘yong pakinggan;

Lingapin mo at kahabagan.

Anyaya mo’y lumapit sa ‘yo;

Huwag magkubli huwag kang magtago.

Sa bawat sulok ng mundo

ang lingkod mong hahanap sa ‘yo.

Ang tawag ko’y ‘yong pakinggan;

Lingapin mo at kahabagan.

Panginoon aking tanglaw;

Tanging ikaw ang kaligtasan.

Sa masama ilayo mo ako;

Ang lingkod mong umiibig sa ‘yo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 23,418 total reads

 23,418 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 55,561 total reads

 55,561 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 121,619 total reads

 121,619 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 140,922 total reads

 140,922 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 218,106 total reads

 218,106 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ALL THE TIME

 2,776 total reads

 2,776 total reads Gospel Reading for September 22, 2026 – Luke 8: 19-21 ALL THE TIME The mother of Jesus and his brothers came to him

Read More »

INCLUSIVE

 2,763 total reads

 2,763 total reads Gospel Reading for September 21, 2026 – Matthew 9: 9-13 INCLUSIVE As Jesus passed by, he saw a man named Matthew sitting at

Read More »

GRATEFUL

 4,412 total reads

 4,412 total reads Gospel Reading for September 20, 2026 – Matthew 20: 1-16a GRATEFUL Jesus told his disciples this parable: “The kingdom of heaven is like

Read More »

GOD SPEAKING TO US

 4,558 total reads

 4,558 total reads Gospel Reading for September 19, 2026 – Luke 8: 4-15 GOD SPEAKING TO US When a large crowd gathered, with people from one

Read More »
Scroll to Top