Tapat at payapang halalan, panalangin ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,123 total reads

Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang pananaig ng katapatan at kapayapaan sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30.
Ayon kay Bishop Presto, maging batayan nawa ng mamamayan ang paghalal sa mga kandidatong mapagkakatiwalaan at tapat na gagampanan ang tungkuling paglingkuran ang kinasasakupan.

Iginiit ng obispo na hindi sukatan ang pagiging kamag-anak, kaibigan, kasikatan, at salapi sa pagpili ng kandidato, kun’di ang kakayahan nitong tuparin ang mga plataporma at pangako para sa ikabubuti ng pagsisilbihang pamayanan.

“Nawa ay mapili natin talaga ang maglilingkod hindi sapagkat sila’y ating kamag-anak, kaibigan, kun’di sila’y alam nating makapaglilingkod sa atin nang tapat para sa kapakanan ng ating mamamayan sa ating barangay. Sila ‘yung mga taong may malasakit, hindi lang sapagkat popular sila at may pera, kun’di sila ‘yung mga taong handang magmalasakit at maglingkod sa mga nasasakupan nilang kababayan natin.” pahayag ni Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag naman ni Bishop Presto na maliban sa katapatan, dapat ding maging katangian ng mga kandidato ang pagkakaroon ng malasakit sa kalikasan lalo’t nahaharap ang daigdig sa climate crisis.

Sinabi ng obispo na kailangang higit na isulong sa mga pamayanan ang mga programang magpapaigting sa kaalaman at kasanayan ng mamamayan hinggil sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.

“Isa rin sa mga pwedeng makita natin ay ‘yung mga maglilingkod sa atin na may pagmamahal sa ating kalikasan. ‘Yung mag-i-implement nuong programa natin ng waste management at gayundin ng promotion upang maiwasan ang pag-init ng ating kapaligiran. Sila ‘yung mga taong may malasakit hindi lang sa kapwa kun’di sa ating kalikasan.” saad ni Bishop Presto.

Kaugnay naman sa nalalapit na paggunita sa mga banal sa unang araw ng Nobyembre, dalangin ni Bishop Presto na patnubayan nawa ng mga banal ang mga kandidato upang maging huwaran ng kababang-loob at katapatan sa paglilingkod sa kapwa.

“Hilingin natin ang panalangin ng mga banal sa langit upang sa ating gaganaping eleksyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan, tayo nawa’y maging mapayapa at ang ating bansa nawa’y malayo sa anumang darating na sakuna at anumang problemang mabibigat na ating haharapin,” dalangin ng obispo.
Naunang hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga BSKE candidates na maging responsable sa kanilang election materials.
Read:https://www.veritasph.net/bske-candidates-hinimok-na-maging-responsable/

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 19,386 total reads

 19,386 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 80,157 total reads

 80,157 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 165,524 total reads

 165,524 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 212,260 total reads

 212,260 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 260,131 total reads

 260,131 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 360,126 total reads

 360,126 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,811 total reads

 170,811 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top