Botante hindi pa rin natututo sa paghalal ng karapat-dapat na pinuno-Bishop Gaa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,144 total views

Isang araw matapos ang halalan, naniniwala si Novaliches Bishop Roberto Gaa na hindi pa lubos na natutututo ang mga botante sa pagpili ng mga karapat-dapat na pinuno ng pamahalaan.

Ayon kay Bishop Gaa, bagama’t may kaunti nang pagbabago ay marami pa rin ang ibinabase ang kanilang pagpili ng ihahal sa popularidad, kamag-anak at mga kakilala.

“Parang in-process po siya. Pero sa ngayon po sa tingin ko po ay hindi pa rin ganu’n ka-mature ang ating mga bumuboto dahil nga po ay nadadala pa rin sila sa popularity. Hindi tayo tumitingin masyado sa track-record. Kasi para sa akin track-record ang pinaka-importante nating tignan sana ng mga bumuboto. Kasi sinasabi nyan kung paano na siya naglingkod,” ayon kay Bishop Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radyo Veritas.

Iginiit ng obispo sa pamamagitan ng track record ay makikita kung paano ang kanyang buhay-paglilingkod bilang bahagi ng pamayanan.

Sa katatapos na halalan, muli namang ipinapaalala ni Bishop Gaa sa mga mananampalataya na hindi nagtatapos ang tungkulin ng mga botante sa pakikibahagi sa eleksyon.

Hinimok ng obispo ang bawat isa na patuloy na maging mapagmatyag at bantayan ang bagong halal na opisyal sa kanilang mga gawain at ang ipinangakong tungkulin sa nasasakupan.

“Iyong monitoring at pagsubaybay sa ating mga kandidato, tinutupad ba nila yung kanilang ipinangako? Maayos ba ang kanilang gawa? Yung kanilang proyekto, tama ba ang pagkagastos ng pera?” ayon pa kay Bishop Gaa.

Ito ay mahalagang bahagi ng mamamayan sa pakikilahok sa good governance, na mabantayan at mapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,080 total views

 46,080 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,949 total views

 41,949 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,151 total views

 78,151 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,888 total views

 86,888 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,310 total views

 112,310 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top