Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 796 total views

Ang Mabuting Balita, 29 Oktubre 2023 – Mateo 22: 34-40
ANG DIYOS NA NASA ATIN
Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Seduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”
————
Ang utusang umibig ay tila magkasalungat. Bakit tayo inuutusang umibig? Hindi ba dapat kusang loob ang umibig? Sa ibang bersyon ng biblia, nagsisimula ang bawat utos sa mga nakakatakot na salita na “Thou shall not.” Ang katotohanan nito, talagang INUUTUSAN tayo ng Diyos na sundin ang 10 Utos. Ito ay tulad ng mga simpleng batas trapiko na inuutusan tayong sundin. Hindi natin maaaring sabihin na kailangang kusang loob ang tumawid ng kalye kapag lamang ang ilaw trapiko ay berde, sapagkat kung ito’y susuwayin natin, tayo ay nasa peligro na masaktan o mamatay.
Tayo ba ay nasa peligro na masaktan o mamatay kung hindi tayo umibig? Kapag hindi tayo umiibig, lalo na kapag tayo ay puno ng poot at galit, hindi lamang ang mga taong kinapopootan natin ang masasaktan kundi at lalo na, ang ating sarili. Ang mapuno ng galit at kawalan ng kapatawaran ay magpapalungkot sa atin, tayo ay magkakasakit at tayo ay hindi makararanas ng kapayapaan. Kung ang minamahal natin ay ang ating sarili lamang, hindi malayong malulong tayo sa 7 Pinakamatinding Kasalanan ng kapalaluan, kainggitan, katakawan, kasakiman, kalibugan, kabatuganan, at kapootan. Wala tayong pakialam kung ano ang mangyayari sa ibang tao basta’t gagawin natin ang gusto nating gawin. Ito ang uri ng buhay na mauuwi sa kamatayang walang hanggan.
Sinasabi na mayroong mahigit na isang daang milyon na awit tungkol sa pag-ibig sa buong mundo, at maaaring hindi pa kasama rito ang mga hindi nailathala; at mga awit na may pamagat na, “Love Makes the World Go `Round,” “Love Changes Everything,” “Love is a Song that never ends,” “Love is a Many-Splendored Thing,” ay nagpapakita na tunay ngang kailangan nasa sentro ng ating buhay ang Pag-ibig kung nais natin magkaroon ng makabuluhan at masayang buhay. Para kay Sta. Teresa ng Lisieux, lahat tayo ay may iisang bokasyon o tawag: ANG UMIBIG, at nararanasan natin ang kaganapan ng buhay kung tayo ay umiibig. Siyempre, ito ay dahil ang DIYOS AY PAG-IBIG MISMO. Kapag tayo ay umiibig, inilalabas natin ANG DIYOS NA NASA ATIN. Kung lahat ng mga Kristiyano ay tunay na umiibig, ang pag-ibig ng Diyos ay dadami at maraming tao ang makikinabang dito, tulad ng mga batang pinalaki ng kanilang mga magulang o ng mga kahalili ng kanilang mga magulang, sa isang kapaligiran na puno ng pag-ibig; Tiyak na matututo silang umibig sa kanilang paglaki.
O Panginoon, nawa’y ang aming buhay ay mapuno ng iyong pag-ibig upang ang aming mundo ay maging napakagandang tirahan!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SONA

 16,830 total views

 16,830 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 42,430 total views

 42,430 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 53,322 total views

 53,321 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 89,403 total views

 89,403 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 10,184 total views

 10,184 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

TRULY DIFFERENT

 637 total views

 637 total views Gospel Reading for July 24, 2025 – Matthew 13: 10-17 TRULY DIFFERENT The disciples approached Jesus and said, “Why do you speak to

Read More »

CONSTANTLY OPEN

 1,351 total views

 1,351 total views Gospel Reading for July 23, 2025 – Matthew 13: 1-9 CONSTANTLY OPEN On that day, Jesus went out of the house and sat

Read More »

TEMPORARY

 3,335 total views

 3,335 total views Gospel Reading for July 20, 2025 – :Luke 10: 28-32 TEMPORARY Jesus entered a village where a woman whose name was Martha welcomed

Read More »

GREATEST MARTYR

 3,235 total views

 3,235 total views Gospel Reading for July 19, 2025 – Matthew 12: 14-21 GREATEST MARTYR The Pharisees went out and took counsel against Jesus to put

Read More »

TGFS

 3,200 total views

 3,200 total views Gospel Reading for July 18, 2025 – Matthew 12: 18 TGFS Jesus was going through a field of grain on the sabbath. His

Read More »

28-30 IN CONTROL

 5,021 total views

 5,021 total views Gospel Reading for July 17, 2025 – Matthew 11: 28-30 IN CONTROL Jesus said: “Come to me, all you who labor and are

Read More »

OVERLEARNED

 5,016 total views

 5,016 total views Gospel Reading for July 16, 2025 – Matthew 11: 25-27 OVERLEARNED At that time Jesus exclaimed: “I give praise to you, Father, Lord

Read More »

TOO LATE

 6,711 total views

 6,711 total views Gospel Reading for July 15, 2025 – Matthew 11: 20-24 TOO LATE Jesus began to reproach the towns where most of his mighty

Read More »

TEMPORARY

 7,334 total views

 7,334 total views Gospel Reading for July 14, 2025 – Matthew 10: 34 – 11: 1 TEMPORARY Jesus said to his Apostles: “Do not think that

Read More »

GLORIOUS SELF

 6,563 total views

 6,563 total views Gospel Reading for July 13, 2025 – Luke 10: 25-37 GLORIOUS SELF There was a scholar of the law who stood up to

Read More »
1234567