Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabago at pag-unlad, nagsisimula sa matalinong pagboto sa BSKE-CEAP

SHARE THE TRUTH

 11,678 total views

Nagsisimula sa tamang pagboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang mga pangmalawakang pagbabago tungo sa pag-unlad na inaasam ng bawat Pilipino.

Ito ang mensahe ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa mga student at educator na nakatakdang bumoto sa BSKE 2023 sa ika-30 ng Oktubre.

Ayon sa CEAP, katulad ng naging mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco na pakikibahagi sa pulitika, responsibilidad ng bawat mamamayan na bumoto na mayroong maayos na pamantayan at pag-alam sa mga layunin at background ng mga kandidato.

‘Many politicians only sees us as ‘votes’ We are not merely voters, we are, in the first place, citizens. Our duty does not begin and end with the elections, the Holy Father Pope Francis asked us to meddle with politics, it must begin in the Baranggay, when Baranggay leaders and their constituents uphold the common good, the nation will consist of villages striving for social transformation,” ayon sa mensahe ni CEAP President Father Albert Delvo na ipinadala ng CEAP sa Radio Veritas.

Ipinaalala ni Delvo sa mga educator na magsilbing mabuting ehemplo sa kanilang mga tinuturuang kabataan sa pamamagitan ng pagtalima sa election laws.

Hinimok rin ng CEAP ang mamamayan na gamitin ang teknolohiya kung saan sa pamamagitan ng mga cellphones ay maaring i-ulat sa awtoridad o maging daluyan ng impormasyon upang isumbong ang mga maling gawain na maoobserbahan sa araw ng halalan.

‘The 2023 Baranggay and Sangguniang Kabataan Election presents an opportune moment to reinforce the connection between the Church and our local community, exemplified by initiatives like ‘Ugnayan ng bayan at Simbahan’ (UBAS), this collaboration between the community and the church holds immense importance for our nation’s future, with it effects reaching far beyond the election, as we approach this election, we must remain mindful of our faith, moral values, and resolute integrity,’ ayon pa sa mensahe ni Father Delvo.

Makalipas ang mahigit limang taon, itinakda ang BSKE kung saan aabot sa 42,027 na Baranggay ang makikibahagi sa halalan ngayong taon.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,589 total views

 5,589 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 22,176 total views

 22,176 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,545 total views

 23,545 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 31,190 total views

 31,190 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,694 total views

 36,694 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 1,020 total views

 1,020 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 7,843 total views

 7,843 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 14,316 total views

 14,316 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top