ANG DIYOS NA NASA ATIN

SHARE THE TRUTH

Loading

Ang Mabuting Balita, 29 Oktubre 2023 – Mateo 22: 34-40
ANG DIYOS NA NASA ATIN
Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Seduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”
————
Ang utusang umibig ay tila magkasalungat. Bakit tayo inuutusang umibig? Hindi ba dapat kusang loob ang umibig? Sa ibang bersyon ng biblia, nagsisimula ang bawat utos sa mga nakakatakot na salita na “Thou shall not.” Ang katotohanan nito, talagang INUUTUSAN tayo ng Diyos na sundin ang 10 Utos. Ito ay tulad ng mga simpleng batas trapiko na inuutusan tayong sundin. Hindi natin maaaring sabihin na kailangang kusang loob ang tumawid ng kalye kapag lamang ang ilaw trapiko ay berde, sapagkat kung ito’y susuwayin natin, tayo ay nasa peligro na masaktan o mamatay.
Tayo ba ay nasa peligro na masaktan o mamatay kung hindi tayo umibig? Kapag hindi tayo umiibig, lalo na kapag tayo ay puno ng poot at galit, hindi lamang ang mga taong kinapopootan natin ang masasaktan kundi at lalo na, ang ating sarili. Ang mapuno ng galit at kawalan ng kapatawaran ay magpapalungkot sa atin, tayo ay magkakasakit at tayo ay hindi makararanas ng kapayapaan. Kung ang minamahal natin ay ang ating sarili lamang, hindi malayong malulong tayo sa 7 Pinakamatinding Kasalanan ng kapalaluan, kainggitan, katakawan, kasakiman, kalibugan, kabatuganan, at kapootan. Wala tayong pakialam kung ano ang mangyayari sa ibang tao basta’t gagawin natin ang gusto nating gawin. Ito ang uri ng buhay na mauuwi sa kamatayang walang hanggan.
Sinasabi na mayroong mahigit na isang daang milyon na awit tungkol sa pag-ibig sa buong mundo, at maaaring hindi pa kasama rito ang mga hindi nailathala; at mga awit na may pamagat na, “Love Makes the World Go `Round,” “Love Changes Everything,” “Love is a Song that never ends,” “Love is a Many-Splendored Thing,” ay nagpapakita na tunay ngang kailangan nasa sentro ng ating buhay ang Pag-ibig kung nais natin magkaroon ng makabuluhan at masayang buhay. Para kay Sta. Teresa ng Lisieux, lahat tayo ay may iisang bokasyon o tawag: ANG UMIBIG, at nararanasan natin ang kaganapan ng buhay kung tayo ay umiibig. Siyempre, ito ay dahil ang DIYOS AY PAG-IBIG MISMO. Kapag tayo ay umiibig, inilalabas natin ANG DIYOS NA NASA ATIN. Kung lahat ng mga Kristiyano ay tunay na umiibig, ang pag-ibig ng Diyos ay dadami at maraming tao ang makikinabang dito, tulad ng mga batang pinalaki ng kanilang mga magulang o ng mga kahalili ng kanilang mga magulang, sa isang kapaligiran na puno ng pag-ibig; Tiyak na matututo silang umibig sa kanilang paglaki.
O Panginoon, nawa’y ang aming buhay ay mapuno ng iyong pag-ibig upang ang aming mundo ay maging napakagandang tirahan!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Extreme weather

Loading

Isa sa mga pinakamalaking problema ng ating bayan kapanalig ay ang pagdalas ng pagdalaw ng extreme weather sa ating bansa. Ngayon, hindi na lamang bagyo ang ating pinangangambahan at pinaghahandaan. Ang mga super storms at torrential rains, kapanalig, ay mabilis na rin nagdadala ng malawakang sakuna sa maraming mga lugar sa ating bansa. Ang tagtuyot

Read More »

Asal Kalye

Loading

Hindi na uso ang road ethics sa ating mga lansangan kapanalig. Araw araw, sumasabay sa ingay ng mga busina at tambutso ang galit at kabastusan ng marami nating mga kababayang nasa lansangan. Ano na ba ang nangyari sa atin at bakit ang asal kalye sa ating bayan ay synonymous na sa masamang ugali? Ang laki

Read More »

Edukasyon

Loading

Isa na naman tayo sa mga kulelat pagdating sa math, science, at reading, kapanalig. Ayon sa pinakahuling resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, pang 77 sa 81 countries ang Pilipinas. Ang assessment na ito ay ginagawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) sa hanay ng mga mag-aaral na may edad

Read More »

End Violence Against Women

Loading

Mga Kapanalig, kasalukuyang idinadaos sa bansa ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (o VAW) sa pangunguna ng Philippine Commission on Women (o PCW).  Nagsisimula ito noong Nobyembre 25, kasabay ng International Day for the Elimination of VAW, at magtatapos sa Disyembre 12, kasabay naman ng International Day Against Trafficking. Ngayong taon, layunin ng

Read More »

Makatarungang PUV Modernization Program

Loading

Mga Kapanalig, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) “non-negotiable” daw ang consolidation process sa Public Utility Vehicle (o PUV) Modernization Program. Layunin ng consolidation process na bumuo ng kooperatiba o korporasyon ang mga tsuper at operator ng PUVs upang makatanggap sila ng mga subsidiya at pautang mula sa gobyerno na maaaring

Read More »

Watch Live

Related Story

Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

MAHALAGANG KAGANAPAN

Loading

Ang Mabuting Balita, 10 Disyembre 2023 – Marcos 1: 1-8 MAHALAGANG KAGANAPAN Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Jesukristo na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias: “‘Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo, ihahanda niya ang iyong daraanan. ’Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang:

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

PAGHAHALILI

Loading

Ang Mabuting Balita, 09 Disyembre 2023 – Mateo 9: 35 – 10: 1, 6-8 PAGHAHALILI Noong panahong iyon, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga may sakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

ESPESYAL NA TUNGKULIN

Loading

Ang Mabuting Balita, 08 Disyembre 2023 – Lucas 1: 26-38 ESPESYAL NA TUNGKULIN Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

BUKAS NA PUSO

Loading

Ang Mabuting Balita, 07 Disyembre 2023 – Mateo 7: 21, 24-27 BUKAS NA PUSO Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. “Kaya’t ang bawat nakikinig at nagsasagawa

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

ANG SARILI NATING MGA MILAGRO

Loading

Ang Mabuting Balita, 6 Disyembre 2023 – Mateo 15: 29-37 ANG SARILI NATING MGA MILAGRO Noong panahong iyon, nagbalik si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At siya’y umahon sa burol at naupo. Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

TIPUNIN TAYO

Loading

Ang Mabuting Balita, 05 Disyembre 2023 – Lucas 10: 21-24 TIPUNIN TAYO Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit ay lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

LAHAT AY PANTAY-PANTAY

Loading

Ang Mabuting Balita, 04 Disyembre 2023 – Mateo 8: 5-11 LAHAT AY PANTAY-PANTAY Noong panahong iyon, pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitang Romano at nakiusap sa kanya: “Ginoo, ang alipin ko po’y naparalisis. Siya’y nararatay sa amin at lubhang nahihirapan.” “Paroroon ako at pagagalingin siya,” sabi ni Jesus. Ngunit sumagot sa kanya

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

“DEAD END”

Loading

Ang Mabuting Balita, 03 Disyembre 2023 – Marcos 13: 33-37 “DEAD END” Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang oras. Katulad nito’y isang taong umalis upang maglakbay sa malayong lupain: ipinababahala

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

MAPAGBANTAY

Loading

Ang Mabuting Balita, 2 Disyembre 2023 – Lucas 21: 34-36 MAPAGBANTAY Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka abutan kayo ng Araw na yaon na hindi handa. Sapagkat darating iyon

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

NAPAKAPALAD

Loading

Ang Mabuting Balita, 1 Disyembre 2023 – Lucas 21: 29-33 NAPAKAPALAD Si Jesus ay nagsalita ng isang talinghaga sa kanila:Narito, ang puno ng igos at lahat ng mga punong-kahoy. Kapag sumibol na sila, makikita ninyo at malalaman na ang tag-init ay malapit na. Gayundin kayo, kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito na nangyari

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

NAPAKA KARISMATIKO

Loading

Ang Mabuting Balita, 30 Nobyembre 2023 – Mateo 4: 18-22 NAPAKA KARISMATIKO Noong panahong iyon, sa paglalakad ni Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sila’y naghahagis ng lambat. Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin, at

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

WALANG LAMAN

Loading

Ang Mabuting Balita, 29 Nobyembre 2023 – Lucas 21: 12-19 WALANG LAMAN Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

MGA PEKENG PROPETA

Loading

Ang Mabuting Balita, 28 Nobyembre 2023 – Lucas 21: 5-11 MGA PEKENG PROPETA Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Jesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

ANG PUSO

Loading

Ang Mabuting Balita, 27 Nobyembre 2023 – Lucas 21: 1-4 ANG PUSO Noong panahong iyon, nang tumingin si Jesus, nakita niya ang mayayamang naghuhulog ng kanilang kaloob sa lalagyan nito sa templo. Nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing. Ang wika ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

IKABABAGSAK NATIN

Loading

Ang Mabuting Balita, 26 Nobyembre 2023 – Mateo 25, 31-46 IKABABAGSAK NATIN Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Jesukristo sa Sanlibutan Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa

Read More »

Latest Blogs