Pagkakaisa ng mga Pilipino mensahe ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Pinaalalahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga deboto ng Itim na Nazareno na pairalin ang pag-ibig at pagkakaisa kasabay ng isinagawang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Traslacion ng Imahen ng Poong Hesus Nazareno ngayon taong 2017.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagkakahati-hati na bunga ng panghuhusga ay siyang nagiging dahilan upang mawalan ng pag-ibig at pagkakaisa sa kapwa.

Aniya, hindi dapat husgahan ang sinuman kahit ito ay nakagawa ng pagkakasala sapagkat tayo man ay nagkakasala at nakakalimot rin.

“Kasi po ang pagkakahati-hati kalimitan bunga ng panghuhusga, sila mali, ako tama, magkaiba kami kayo marumi, ako malinis magkaiba tayo.
Kayo balungkot ang isip ako tuwid maliwanag ang isip magkaiba tayo at kapag ganyan ng ganyan wala tayong maabot na pagkakaisa dahil walang kakayahan na sabihin hndi naman tayo iba sa isat isa.”

Hinikayat ng mahal na Kardinal ang lahat na sa halip na husgahan ang kapwa na nagkamali ay tulungan ito at huwag lalong yurakan.

“Kapag merong tao [na] natutukso huwag nating huhusgahan na [tayo’y] nagmamalinis na hinihiwalay ang sarili, sa halip alalahanin na tayo ay natutukso din at kung sya ay natutukso siguro kami ang dapat magtulungan.”

“Ito po ang uri ng pagibig na handang yakapin pati na ang mahihina at makasalan, sa halip na sila ay idiin, yurakan at Ilayo sa mga sarili”, dagdag pa ng Arsobispo ng Maynila.

Ngayong taon nakatuon ang tema ng traslacion sa “Pag-ibig ang buklod ng ganap na Pagkakaisa”.

Isinasagawa ang 10 kilometrong Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church tuwing ika-9 ng Enero kung saan 8 hanggang 10 milyong deboto ang taunang nakikibahagi sa nasabing tradisyon.

Higit sa 3 libong pulis kasama na ang mga barangaay tanod ang ipinakalat sa rutang dadaanan ng prusisyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga debotong dadalo sa pagdiriwang.

Taong 2012 nang maitala ang pinakamatagal na prusisyon na tumagal ng 22 oras.

Magugunitang ito na ang ika-411 anibersaryo ng Itim na Nazareno dito sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 65,361 total reads

 65,361 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 113,822 total reads

 113,822 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 161,694 total reads

 161,694 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 265,639 total reads

 265,639 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 348,620 total reads

 348,620 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,089 total reads

 113,089 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top