Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 83,939 total reads

Mga Kapanalig, parang eksena sa pinagbibidahan niyang pelikula ang pananabón ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr kay MMDA Task Force Special Operations Unit head Edison “Bong” Nebrija. 

Nangyari ito nang pumunta si Nebrija at si acting MMDA Chairman Romando Artes sa Senado upang humingi ng tawad sa senador. Sinabi kasi ni Nebrija, batay sa impormasyong ipinarating sa kanya, na convoy ni Senador Revilla ang naharang ng mga tauhan ng MMDA sa EDSA Bus Carousel sa bahagi ng Mandaluyong halos dalawang linggo na ang nakalipas. Nang malaman nilang convoy ng senador ang dumaan, hinayaan nila itong gamitin ang bus carousel at hindi pinagmulta. VIP treatment, kumbaga.

Tinanggap ng senador ang pagso-sorry ni Nebrija at idiniing hindi siya masisisi sa kanyang reaksyon sa aniya’y “maling paratang” laban sa kanya. Inulan kasi si Senador Revilla ng maraming batikos. Dahil sa insidente, suspendido ang opisyal ng MMDA habang nagsasagawa ang ahensya ng imbestigasyon. 

Ang EDSA Bus Carousel ay inilagay upang mabilis na makapaglakbay ang maraming tao, hindi lamang iisang taong sakay ng isang sasakyan. Terible kasi ang trapiko sa EDSA at isa ang bus carousel sa mga paraan upang maginhawang makapag-commute ang mga ordinaryong mananakay papunta at paalis sa kanilang destinasyon gamit ang pinakaabaláng highway sa Metro Manila. Pinapayagan ding dumaan sa bus carousel ang mga ambulansya, trak ng bumbero, at marked government vehicles na tumutugon sa emergency.

Ngunit simula noong isang Lunes, pinayagan na ng MMDA na gamitin ang EDSA Bus Carousel ng limang pinakamataas na opsiyal ng pamahalaan: ang presidente, bise presidente, Senate President, House Speaker, at Chief Justice. Ito raw ay para tulungan sila sa pagganap nila ng kanilang tungkulin. Inaprubahan ng Department of Transportation ang rekomendasyong ito ng MMDA isang araw matapos ang insidenteng kinasangkutan ng convoy diumano ni Senador Revilla.

Sa isang editoryal, tinalakay natin ang pagbabalik ng tinatawag na “wang-wang mentality” sa gobyerno. Pinag-usapan natin doon ang tungkol sa VIP na tumawid ng Commonwealth Avenue kaya kailangang pahintuin ng mga pulis ang trapiko sa lugar. Hanggang ngayon, hindi pa rin nalalaman ng publiko kung sino ang VIP na iyon. Halimbawa ito ng wang-wang mentality. Ngayon naman, ang VIP treatment sa EDSA bus carousel ay nagbibigay-daan na rin sa pag-iral muli ng wang-wang mentality.

Mahalaga ang trabahong ginagawa ng mga nasa gobyerno at mahalaga rin ang oras nila. Wala tayong pagtatalo tungkol dito—bagamat maganda ring malaman kung paano nila ginagamit ang oras nila sa totoong trabaho. Ngunit ang gamitin itong dahilan upang bigyan sila ng VIP treatment at maabala ang taumbayang dapat nilang pinaglilingkuran ay hindi naman yata patas sa mas nakararami, lalo na kung abala ang maidudulot nito sa iba. Kung tutuusin din, ang pagkakaroon ng VIP treatment sa mga lansangan ay patunay ng kabiguan ng gobyernong ayusin ang sistema ng transportasyon lalo na sa mga lungsod. Isang lane na nga lang ng EDSA ang ibinibigay sa mga gumagamit ng bus, ipapagamit pa sa mga VIP.

Mga Kapanalig, malalim ang kultura ng VIP treatment hindi lamang sa gobyerno kundi sa maraming larangan, maging sa Simbahan. Nakaugat ito sa maling pananaw natin sa kapangyarihan, lalo na ng mga nasa pamahalaan. Kapag umiiral ang VIP treatment at inaabuso ito, hindi ginagamit ang kapangyarihan para sa kabutihang panlahat o common good, isang mahalagang prinsipyo sa mga panlipunang turo ng Simbahan. Ang sama-samang pagkilos upang makamit ang common good ay nakabatay sa paalala ni San Pablo sa 1 Corinto 12:26: “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.” Kung hahayaan nating laging may VIP treatment lalo na para sa mga sumumpang maging lingkod-bayan, napararangalan at nagagalak ba ang lahat? 

Sumainyo ang katotohanan.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 15,890 total reads

 15,890 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 44,581 total reads

 44,581 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 105,079 total reads

 105,079 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 124,918 total reads

 124,918 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 205,572 total reads

 205,572 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 305,268 total reads

 305,268 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 44,582 total reads

 44,582 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 105,080 total reads

 105,080 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 124,919 total reads

 124,919 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 205,573 total reads

 205,573 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top