Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,883 total views

Christ the King Sunday Cycle A

Ez 14:11-12.15-17 1 Cor 15:20-26.28 Mt 25:31-46

Ngayon ay ang huling Linggo ng taon sa kalendaryo ng Simbahan. Next week magsisimula na tayo ng bagong panahon, ang panahon ng Adbiyento. Ang huling Linggo ng taon ay nagpapahiwatig sa atin ng wakas ng panahon. Ang lahat ay magwawakas, pati na ang panahon at ang mundong ito. Sa wakas ng panahon mahahayag na ang paghahari ng Diyos. Sa takbo ng panahon natin ngayon, para bagang nananalo ang kasamaan. Dumadami ang digmaan, at mga digmaan na ang tinatarget ay ang mga mahihina at mga civilians. Kumakalat ang kasinungalingan at may mga taong ang hanap buhay ay ipalaganap ang fake news. Sa ngalan ng kaunlaran maraming mga mahihirap ang naaapi, tulad ng pagmimina at mga reclamation projects. Ang mga ito ay ginagawa sa pangalan ng kaunlaran pero ang mga maliliit na mangingisda at magsasaka ang nawawalan ng hanap buhay. Sa takbo ng ating panahon ngayon, parang natatalo ang kabutihan. Pero hindi! Naniniwala tayo na sa bandang huli magwawagi ang kabutihan, ang katotohanan, at ang katarungan. Darating ang kaligtasan. Magwawagi si Jesus! Maghahari siya! Tatalunin niya ang kasamaan, pati na ang kamatayan. Bubuhayin niya ang lahat. Si Jesus ay ang maawaing hari at makatarungang hukom.

Darating si Jesus bilang isang mabuting pastol. Ito ang sinulat ni propeta Ezekiel. Dadalhin tayo sa mainam na pastulan. Titipunin niya ang kanyang tupa na ngayon ay nagkawatak-watak. Hahanapin niya ang nawawala at gagamutin niya ang mga maysakit. Palalakasin niya ang mahihina. Kaya huwag natin katakutan ang wakas. Ang dakilang hari natin ay isang mabuting pastol. Darating siya upang buohin na ang gawain ng kaligtasan. Ililigtas niya tayo.

Pero ang haring mabait ay makatarungan din. Ang mga mayayabang at makapangyarihan ay kanyang tatalunin. Paghihiwalayin niya ang mga tupa at ang mga kambing, ang mabubuti at ang masasama. Hahatulan niya ang lahat at ang hatol niya ay makatarungan. Mananagot ang lahat! May mga makapangyarihang mga tao na mayayabang na akala nila ay makakaiwas sila na managot. Natatakot nila ngayon at nabibili pa ang marami. Nalilinlang nila ang mga tao. Hindi nila ito magagawa sa harap ng dakilang Haring si Jesus. Makatarungan siya. Mananagot ang bawat isa sa atin sa harap niya.

Lahat tayo ay kinakabahan pagdating ng mga tests at examinations. Kinakabahan tayo kasi hindi natin alam ang itatanong kaya nangangapa tayo kung ano ang pag-aaralan. Itatanong ba ito o hindi? Ayyy! Kung alam lang natin ang tanong maipaghahanda na natin ang sagot! Mabait ang Diyos. Sa Final Test, sa pinakaimportang pagsusulit ng ating buhay kung saan nakasalalay ang ating walang hanggang kalagayan, hindi tayo susurprisahin ng Diyos. Sinabi na niya ang itatanong sa atin. Kailangan lang natin ngayon na ipaghanda ang sagot natin. Ang pinakatanong sa atin ay: ano ang ginawa natin sa mga maliliit na tao, sa mga taong isinasantabi, sa mga nasa laylayan ng lipunan? Kung ano ang ginawa natin sa kanila o hindi natin ginawa sa kanila ay ginawa natin sa kanya o hindi natin ginawa sa kanya. Jesus identifies himself with the poor and the lowly.
Pinapasok sa langit na inihanda para sa mga mabubuti ang nasa kanan niya, iyong mga tupa, kasi pinakain, pinainom, dinalaw, pinagbigyan, inunawa, tinulungan ang mga nangangailangan. Kasi kung ano ang ginagawa natin sa mga aba ay ginagawa natin kay Jesus. Ang mga nasa kanyang kaliwa, ang mga kambing, ay itatapon sa impiyerno, na hindi ginawa sa mga tao kundi para sa mga demonyo, kasi hindi nila pinansin, tinulungan at pinaglingkuran ang mga maliliit na tao. Ang impiyerno ay hindi lang sa mga gumagawa ng masama, sa mga mamamatay na tao, sa mga kurakot, at sa mga nangangalunya. Doon din pupunta ang hindi gumagawa ng kabutihan sa mga mahihirap. Kaya, huwag lang natin iwasan na hindi gumawa ng masama. Pagsikapan din natin na gumawa ng kabutihan.
Noong nakaraang linggo ipinagdiwang natin ang World Day of the Poor. Inihanda tayo noong nakaraang Linggo sa kapistahan ni Kristong Hari ngayong Linggo. Pinaalaala sa atin noong linggong iyon ang kahalagahan ng mga mahihirap. Talagang mahalaga sila kasi sila ang daan natin patungo sa Panginoong Jesus. Nakakalapit tayo kay Jesus at natatamo natin ang kaligtasan at ang buhay na walang hanggan sa pagpansin at pangangalaga sa kanila. Ibig natin maging malapit kay Jesus? Maging malapit tayo sa mahihirap. Huwag nating ipaubaya ang pagtulong sa mahihirap sa DSWD o sa mga NGOs. Magsikap din tayo sa ating sarili na tumulong sa kanila.

Ang isang pangamba natin na tumulong sa mahihirap ay baka tayo pagsamantalahan, baka niloloko tayo. Totoo, may mga nagsasamantala sa kabutihan ng kanilang kapwa. Pero huwag tayong matakot. Kung ang intensiyon natin ay tumulong sa mahihirap at tayo ay pinagsamantalahan ng taong iyan, hindi nasayang ang tulong natin. Talagang tumulong tayo kay Jesus. Kawawa ang nagsamantala sa atin. Akala niya naisahan niya tayo – malaki ang pananagutan niya na ang tulong para kay Jesus ay kanyang inagaw sa panlilinlang niya.

Ang pagtulong natin sa mahihirap ay gawin nating regular. Maging bahagi na ito ng takbo ng ating buhay. Ito ang itinatanim na ugali ng programa nating Pondo ng Pinoy. Ang mahalaga dito ay ang araw-araw nating pagtatabi ng kahit maliit para sa mahihirap. Araw-araw naiisip natin ang mahihirap at konkretong tinutulungan natin sila sa pagtatabi ng ating piso para sa kanila. Ang mga nakolekta natin sa Pondo ng Pinoy ay ating inaalay sa Banal na Misa. Ang ating pagtatabi ng pera ay inuugnay natin sa pag-aalay ni Jesus ng kanyang sarili na siyang pinagdiriwang natin tuwing Misa. Ito rin ang ibig sabihin ng ating pag-aalay ng ating balik-handog sa Banal na Misa. Nagiging mahalaga ang ating alay kasi ito ay isinasama natin sa pag-aalay ni Jesus.
Mga kapatid, huwag tayo magumon sa mundong ito at sa buhay natin dito. Ang mga ito ay magwawakas. Pero huwag din tayo matakot sa wakas. Si Jesus ang makakatagpo natin. Sinusundo tayo ni Jesus upang dalhin sa pastulan na kanyang inihanda para sa atin. Pero makakapasok tayo sa pastulang iyan kung ngayon ay sinisikap nating paglingkuran at makiisa kay Jesus sa pagtulong natin sa mga mahihirap at sa mga aba. Ugaliin natin na palaging tulungan si Jesus.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,800 total views

 4,800 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 17,940 total views

 17,940 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 23,913 total views

 23,913 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,668 total views

 29,668 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 36,930 total views

 36,930 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 384 total views

 384 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,698 total views

 2,698 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,825 total views

 8,825 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,954 total views

 6,954 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,237 total views

 9,237 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,143 total views

 12,143 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,082 total views

 13,082 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,076 total views

 13,076 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,794 total views

 16,794 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,640 total views

 18,640 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,637 total views

 18,637 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,146 total views

 23,146 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,462 total views

 28,462 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,620 total views

 30,620 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,778 total views

 32,778 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top