Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,848 total reads

Ang Mabuting Balita, 26 Nobyembre 2023 – Mateo 25, 31-46

IKABABAGSAK NATIN

Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Jesukristo sa Sanlibutan

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila’y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing. At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako’y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako’y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako’y nabilanggo at inyong pinuntahan.’ Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya’y walang maisuot at aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?’ Sasabihin ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.’

“At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! Kayo’y pasaapoy na di mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako’y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Ako’y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako’y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Ako’y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.’ At sasagot din sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?’ At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.’ Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.”

————

Kung minsan sa ating buhay, matayog ang ating lipad, at mga iba masyadong matayog, upang makamit ang ating mga pangarap at mga layunin, at nakakamit natin ang tagumpay at mga parangal para dito. Kung tayo ay magiging komportable at mananatili sa itaas, malamang na hindi natin makikita ang mga mas mahalagang bagay sa buhay. Paminsan-minsan, kailangan nating bumaba sa lupa at mababad sa Diyos. Ang ating ebanghelyo sa araw na ito, ay isang napakamaayos na paalala sa atin na huwag mawala sa ating paningin ang mga pinakamahalagang bagay sa buhay. Inilalarawan sa pagbasang ito ang dahilan kung bakit tayo nasa mundo.

Si Jesukristo ang KAISA-ISAHANG HARI ng sanlibutan. Kung tayo ay lagi o kadalasan ay nasa ibabaw ng ibang tao, magiging pakiramdam natin, tayo ay mga hari na kailangang sambahin lagi. Kapag ito ay nangyari, ito ang IKABABAGSAK NATIN sapagkat kahit kailan hindi tayo magiging isang bagay na hindi tayo. May kasabihan nga – Kahit paano mo bihisan ang unggoy, unggoy pa rin siya. Tayo ay mga taong likha sa wangis ng Diyos, at ito tayo. Sa ganitong anyo lang tayo magiging tunay na maligaya at mapayapa anumang kinalalagyan natin.

Christus Vincit, Christus Regnat, Christus, Christus, Imperat!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 243,419 total reads

 243,419 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 275,148 total reads

 275,148 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 376,974 total reads

 376,974 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 417,535 total reads

 417,535 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 427,963 total reads

 427,963 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

OMNISCIENT

 3,524 total reads

 3,524 total reads Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13 OMNISCIENT Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend

Read More »

BRIDGING THE GAP

 4,891 total reads

 4,891 total reads Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4 BRIDGING THE GAP Jesus was praying in a certain place, and when he

Read More »

JOYFUL HOPE

 3,575 total reads

 3,575 total reads Gospel Reading for October 06, 2026 – Luke 10: 38-42 JOYFUL HOPE Jesus entered a village where a woman whose name was Martha

Read More »

The ROADMAP

 15,998 total reads

 15,998 total reads Gospel Reading for October 05, 2026 – Luke 10: 25-37 The ROADMAP There was a scholar of the law who stood up to

Read More »
Scroll to Top