Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total reads

Ang Mabuting Balita, 8 Nobyembre 2023 – Lucas 14: 25-33
KINAKAILANGAN
Noong panahong iyon, sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung, may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos – siya’y kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos.’ O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.”
————
Siyempre, hindi tayo inuudyukan ni Jesus na kamuhian ang ating mga magulang, miyembro ng pamilya, at pati ang sarili nating buhay. Sinasabi lang niya sa atin ang KINAKAILANGAN para maging isang Kristiyano. Kailangang handa tayong isuko o labanan ang mga taong minamahal natin, pati na rin ang mga bagay na gustong gusto natin makamit sa buhay, kung nais natin maging matapat na tagasunod ni Jesus. Para sa mga Katoliko, ang mga magulang ang nagpapasya para sa anak. Ngunit sa Kumpil, ang anak ang nagpapasya para sa kanyang sarili na maging tagasunod ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ang paghubog ng mga magulang sa kanilang mga anak ayon sa Pananampalataya mula sa Binyag, at ipaintindi sa kanila na ang pagiging Kristiyano ay ISANG PASYA na maging matapat na tagasunod ni Kristo.
NAPAKALAKI ng gantimpala kung tayo ay magiging matapat na tagasunod ni Kristo hindi lamang sa kabilang buhay kundi pati sa buhay natin ngayon, kaya’t napakaraming mga santo at santa ang nag-iwan ng lahat ng mayroon sila makasunod lamang kay Kristo.
Panginoong Jesus, magkaroon nawa kami ng lakas ng loob na laging itaguyod ang iyong mga turo saan man kami naroroon at sinuman ang aming mga kasama!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 30,220 total reads

 30,220 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 115,206 total reads

 115,206 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 152,579 total reads

 152,579 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 183,838 total reads

 183,838 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 255,396 total reads

 255,396 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BE PREPARED

 6,587 total reads

 6,587 total reads Gospel Reading for August 28, 2026 – Matthew 25: 1-13 BE PREPARED Jesus told his disciples this parable: “The Kingdom of heaven will

Read More »

PROFOUND SPIRITUAL TRUTHS

 4,714 total reads

 4,714 total reads Gospel Reading for August 27, 2026 – Matthew 24: 42-51 PROFOUND SPIRITUAL TRUTHS Jesus said to his disciples: “Stay awake! For you do

Read More »

WOE TO US!

 4,578 total reads

 4,578 total reads Gospel Reading for August 26, 2026 – Matthew 23: 27-32 WOE TO US! Jesus said, “Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites.

Read More »

LACKS HEART

 4,859 total reads

 4,859 total reads Gospel Reading for August 25, 2026 – Matthew 23: 23-26 LACKS HEART Jesus said: “Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites. You

Read More »
Scroll to Top