Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,352 total reads

Ang Mabuting Balita, 10 Nobyembre 2023 – Lucas 16: 1-8
MAAGAP
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya at tinatanong: ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa inyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.’ Nawika ng katiwala sa sarili, ‘Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. A, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.’ Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una, ‘Gaano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito, ‘Sandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Sandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ wika niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.”
————
Iisipin natin na pinupuri ng panginoon ang pandaraya ng katiwala, na siyempre hindi maaari, sapagkat kung tayo ang nasa lugar niya, malamang na magalit tayo sa pandaraya ng katiwala. Ang pinuri niya ay ang pagiging maagap nito – sa matalinong paghahanda para sa kanyang kinabukasan upang maiwasan ang mga maaaring maging suliranin sa kinabukasan.
Karamihan sa mga Judio, sapagkat naniwala sila na sila ang bayang hinirang ng Diyos, ay naghintay lamang na dumating ang ipinangakong Mesiyas. Kung hindi sa pag-uudyok ni Juan Bautista, malamang walang naging paghahanda sa pagdating ng Mesiyas. Noong dumating na si Jesus, hindi nila siya nakilala at ayaw nila siyang tanggapin bilang Mesiyas, sapagkat napako sila sa kung anong uri ng pagkatao dapat ang Mesiyas. Hindi sila nag-isip ng iba pang maaaring mangyari.
Tayong mga binyagang Kristiyano ay hindi maaaring magpakampante, mag-isip na sapagkat tayo ay nabinyagan, tiyak na mayroon tayong lugar sa langit. Kailangan nating ipaghanda ang pagharap sa mga pagsubok sa ating pananampalataya, lalo na kung paano at kung ano ang gagawin natin sa laganap na imoralidad at “anti-Christ” na mga pagpapahalaga sa buong mundo. Tayo ay mapalad at lahat ng kailangan natin para dito ay nasa atin na – ang Espiritu Santo, ang mga Sakramento, panalangin, atbp.. Kailangan lang natin maging MAAGAP at laging alerto upang makaranas ng malaking pagkabigo ang mapanlinlang na demonyo!
Panginoon Jesus, nawa ang aming Simbahan ay maging sistema ng suporta na kailangan ng bawat Kristiyano upang manatiling matatag sa Pananampalataya!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 76,611 total reads

 76,611 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,872 total reads

 154,872 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,319 total reads

 188,319 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 223,616 total reads

 223,616 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,082 total reads

 447,082 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MODERN-DAY PHARISEES

 6,849 total reads

 6,849 total reads Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7 MODERN-DAY PHARISEES At that time: So many people were crowding together that they

Read More »

TRULY UNDERSTAND

 4,314 total reads

 4,314 total reads Gospel Reading for October 15, 2026 – Luke 11: 47-54 TRULY UNDERSTAND The Lord said: “Woe to you who build the memorials of

Read More »

BLIND GUIDES

 12,937 total reads

 12,937 total reads Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46 BLIND GUIDES The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of

Read More »

WAKING UP

 7,699 total reads

 7,699 total reads Gospel Reading for October 13, 2026 – Luke 11: 37-41 WAKING UP After Jesus had spoken, a Pharisee invited him to dine at

Read More »
Scroll to Top