Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,567 total views

Ang Mabuting Balita, 20 Nobyembre 2023 – Lucas 18: 35-43
HUMINGI NG TULONG
Malapit na si Jesus sa Jerico, at doo’y may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig nitong nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Jesus na taga Nazaret,” sabi nila. At siya’y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Kaya’t tumigil si Jesus, at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Inilapit nga ito at tinanong ni Jesus, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” “Panginoon, ibig ko po sana’y manumbalik ang aking paningin,” sagot niya. At sinabi ni Jesus, “Mangyari ang ibig mo! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.” Noon din, nakakita siya at sumunod kay Jesus, at nagpasalamat sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.
————
Kung ilalagay natin ang ating sarili sa lugar ng lalaking bulag na nakarinig ng kakayahang magpagaling ni Jesus, at ngayo’y nagdaraan, tiyak na gagawin din natin ang ginawa niya. Walang makapagsaway sa kanyang pagsigaw. Ito ang pagkakataong makakita na siya at maaaring hindi na ito maulit. Hindi lamang napakalaki ng pananalig niya kay Jesus; alam din niyang makiusap kay Jesus: “mahabag po kayo sa akin.” At ang laging maawaing Jesus, narinig siya sa gitna ng maraming tao, huminto at iniutos sa kanila na dalhin sa kanya ang bulag. Hindi rin niyang palalagpasin ang pagkakataong mapagaling ang isang taong puno ng pananalig. Siyempre, alam ni Jesus na ang lalaki ay bulag, ngunit tinanong pa rin niya kung ano ang ibig niyang gawin para sa kanya. Katulad ng mga ibang pagkakataong magpagaling, sinabi sa kanya ni Jesus: “Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”
Mayroong mga sa atin ang nagdaranas ng espirituwal na pagkabulag – kapag hindi natin makita o madama ang pag-ibig ng Diyos sapagkat tayo ay nagdaraan sa matinding pagsubok; o dahil hinayaan nating mapuno tayo ng poot o galit; o dahil hinayaan natin ang ating sarili na malugmok sa kasalanan. Sapagkat ang biyaya ng Diyos ay naglipana, sa mga pagkakataong ganito, maaari pa rin tayong makakita ng kaunting sinag (marahil mga salita ng isang nagmamahal o kaibigan). Kailangan natin maging maagap sa pagkakataong ito habang tayo ay nasa mundo pa. Hindi kailangang manatili tayong may kapansanan. Hindi natin kailangang manatiling bulag habang buhay. Ang tanging kailangan nating gawin ay ang HUMINGI NG TULONG, at tiyak na maririnig tayo ni Jesus at kahahabagan niya tayo.
“Ibibigay ko ang mga bansa para lang maligtas ka, sapagkat mahalaga ka sa akin; mahal kita, kaya’t pararangalan kita.” (Isaias 43: 4)
Tingnan din natin kung paano ang pagtrato ng mga kasama ni Jesus sa bulag. Sila, na dapat makaisip na dalhin ang bulag kay Jesus, ang nagpapatahimik sa kanya. Nakakahiya siguro noong iniutos sa kanila ni Jesus na dalhin sa kanya ang bulag. Kung tayo ay tunay na Kristiyano, kailangang mulat tayo sa ating papel na pagtulong sa ating kapwa na makakita ng liwanag.
Salamat Jesus, sa iyong dakilang pag-ibig at kahabagan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 9,458 total views

 9,458 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 32,610 total views

 32,610 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 102,723 total views

 102,723 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 177,336 total views

 177,336 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 256,775 total views

 256,775 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

HEAVEN

 5,410 total views

 5,410 total views Gospel Reading for July 15, 2026 – Matthew 11: 25-27 HEAVEN At that time Jesus exclaimed: “I give praise to you, Father, Lord

Read More »

OUR MISSION

 6,172 total views

 6,172 total views Gospel Reading for July 14, 2026 – Matthew 11: 20-24 OUR MISSION Jesus began to reproach the towns where most of his mighty

Read More »

INNER PEACE

 6,528 total views

 6,528 total views Gospel Reading for July 13, 2026 – Matthew 10: 34 – 11: 1 INNER PEACE Jesus said to his Apostles: “Do not think

Read More »

TRUE AND DEEP

 5,762 total views

 5,762 total views Gospel Reading for July 12, 2026 – Matthew 13: 1-23 TRUE AND DEEP On that day, Jesus went out of the house and

Read More »
Scroll to Top