Mamamayan, hinimok ng PJPS na makiisa sa “Give Joy on Christmas” project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,736 total reads

Muling inanyayahan ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang bawat isa na magbahagi ng biyaya, kaligayahan at kagalakan sa kapwa lalo’t higit para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa papalapit na pasko.

Ito ang paanyaya ng PJPS na pinamumunuan bilang executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ kaugnay sa panibagong inisyatibo ng organisasyon na tinaguriang ‘Give Joy on Christmas Project’ para sa mga PDLs.

Ayon sa PJPS, ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan na higit na magiging makabuluhan kung ibabahagi din ito sa mga nangangailangan at mga kapos palad tulad ng mga PDLs na kadalasan ay naisasantabi sa lipunan dahil sa kanilang nagawang pagkakamali at kasalanan sa buhay.

“As our hearts are filled with gratitude and excitement for the Christmas season, the joy of giving becomes even more meaningful. We, at the Philippine Jesuit Prison Service Foundation, Inc. (PJPS), are thrilled to extend our warmest greetings and an invitation to join us in the simple initiative Give Joy on Christmas Project.” Ang bahagi ng paanyaya ng PJPS.

Layunin ng proyekto na makapagkaloob ng simpleng handa partikular ng mga spaghetti at fruit salad packages upang mapagsaluhan ng may 34,000 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City para sa darating na noche buena at media noche.

Nasaaad sa official Facebook page at website ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang iba’t ibang mga paraan upang makapagpaabot ng tulong at suporta sa nasabihing programa para makapagbahagi ng biyaya at simpleng kagalakan sa mga PDLs.

Una ng nakapagkaloob ng mga hygiene kits at ointment ang PJPS para sa mga bilanggo bilang paggunita ng 36th Prison Awareness Week noong huling linggo ng Oktubre, 2023.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,091 total reads

 45,091 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,456 total reads

 130,456 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,192 total reads

 177,192 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,064 total reads

 225,064 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,934 total reads

 326,934 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top