Protect life and defend family, itataguyod ng Prolife Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,304 total reads

Patuloy na isusulong ng Prolife Philippines Foundation ang mga hakbang na magpapatatag sa buong sambayanan.

Sa ginanap na march for life sinabi ni Prolife President Bernard Canaberal na nakatuon sa pagpapatibay ng pundasyon ng lipunan ang mga gawain ng grupo tulad ng: ‘Uphold life; Defend the Family; Restore Humanity, at; Stand for Peace.’

Binigyang diin ng opisyal na mahalagang itaguyod ang buhay sapagkat ito ay natatanging biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

Kasabay nito ang pagbibigay proteksyon sa bawat pamilya dahil ito ang pinakamaliit na yunit ng lipunan subalit napakalaki ang responsibilidad sa pagbuo ng isang mapayapa at maayos na pamayanan.

“To protect and fight for the family dahil sa pamilya nagmumula ang lahat, ang edukasyon, ang simbahan, ang paaralan nasa pamilya lahat at sa pamilya nangyayari ang pinakamatinding labanan,” pahayag ni Canaberal sa Radio Veritas.

Batid ni Canaberal na dapat pahalagahan ng tao ang bawat biyayang ipinagkaloob ng Panginoon tulad ng buhay at pamilya sapagkat ito ang pangunahing pagtupad sa misyon na iniatang ni Hesus sa bawat binyagan ang pagpapahalaga sa mga nilikha ng Panginoon.

Batid nitong sa kasalukuyang henerasyon ay unti-unting nawawala ang pagpapahalaga ng kabataan sa mga sakramento ng simbahan tulad ng kasal na pangunahing pundasyon sa isang matibay na pamilya at lipunan.

Naniniwala ang opisyal na ang mga hakbang na sisira sa pundasyon ng tao at pamilya ay mula sa kasamaan upang lituhin ang pananampalataya ng tao kabilang na rito ang patuloy na pagsusulong ng aborsyon, diborsyo, usapin ng kasarian at iba pa.

“This is all about the works of the devil to disrupt, to disturb and to disorient people in terms of values dapat tandaan natin na mas mahalaga yung values kaysa sa valuables.” dagdag pa nito.

Kasabay ng Dakilang Kapistahan ng ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria nagtipon ang iba’t ibang prolife groups para sa interfaith prayer sa Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace – EDSA Shrine.

Bukod sa pangangalaga sa buhay at pamilya dalangin din ng grupo ang pagkakaroon ng kapayapaan sa buong daigdig at mawakasan ang mga digmaan at tunggalian ng mga bansa dahil bukod tanging mga inosenteng indibidwal ang lubhang napinsala nito.

Gayundin ang panawagang ibalik ang dignidad ng sangkatauhan at igalang ang mga nilikha ng Diyos.
“We would like to invoke everybody to come and join us spread the good news and be part of the celebration of life,” ani Canaberal.

Bago ang march for life patungong EDSA Shrine nagsagawa ng Banal na Misa sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City na pinangunahan ni Franciscan Capuchin Fr. Uldarico Camus.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 11,872 total reads

 11,872 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 41,563 total reads

 41,563 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 82,122 total reads

 82,122 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 107,763 total reads

 107,763 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 156,030 total reads

 156,030 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 176,306 total reads

 176,306 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top