Prelatura ng Batanes, nanindigan laban sa People Initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,196 total reads

Mariing nanindigan ang Obispo at mga lingkod ng Simbahan ng Prelatura ng Batanes laban sa isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Sa isinapublikong pahayag ng prelatura na nilagdaan ni Batanes Bishop Danilo Ulep at mga pari ng Batanes ay kinumpirma ang pangangalap ng lagda sa mga lugar na nasasakop ng Prelatura ng Batanes.

Muli namang nagpahayag ng kahandaan ang prelatura na makipagtulungan para sa mga gagawing hakbang ng pamahalaan para sa ikabubuti ng taumbayan.

“We, your bishop and all priests who are your servant-leaders, would like therefore to call out all our partners in government who are themselves considered public servants. We want you to know that we desire to continue our partnership and collaboration with you in carrying out our common task of looking after the general welfare of our people.” Ang bahagi ng pahayag ng Prelatura ng Batanes.

Ayon kay Bishop Ulep, nawa ay tuwinang maging matuwid ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga programa na tunay na makabubuti sa bayan na naaayon sa batas at walang naisasantabing anumang mga karapatan o kalayaan ng taumbayan.

Paliwanag ng Obispo, makakaasa ang pamahalaan sa kahandaan ng Simbahan na makinig at makipagtalakayan kaugnay sa isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas ng Pilipinas.

“Let all our actions be done always rightly, legally and according to our Christians and Catholic principles that include honesty, fraternal charity and humility among other values that a Christian and Catholic stand for. We your partners in the church are ready to have a dialogue with you at a convenient time that may be mutually acceptable in order to give more time for us to talk and exchange views regarding charter change. Feel free to inform us of your suggestions.” Dagdag pa ni Bishop Ulep.

Inalerto naman ng Obispo ang mamamayan sapagkat batay sa mga natanggap na ulat ng prelatura ay may mga pagkakataon na hindi ipinapaliwanag kung ano ang kanilang nilalagdaan.

Pagbabahagi ng prelatura, hindi katanggap-tanggap ang ilang pamamaraan ng pangangalap ng lagda na maituturing na paraan ng panlilinlang, pananamantala at kawalan ng katarungan sa proseso ng pagbabago ng Saligang Batas.

“We appeal to all of you to remain vigilant and alert for any attempt to unwittingly use our right to approve a people’s initiative through our signatures for self-serving interests. Your cooperation to those who seek to undermine the integrity of your signature, whether done through some pressure or bribery, is still unacceptable and likewise deserves our indignation of such action because we deem it anti-Christian and anti-Catholic.” Ayon sa Prelatura ng Batanes.

Una na ring pinaalalahanan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang bawat isa na ituring na sagrado at mahalaga ang kanilang boto at lagda.

Kaugnay nga nito pansamantalang sinuspende ng COMELEC ang lahat ng gawain kabilang ang pagtanggap ng mga ‘signature forms’ na may kaugnayan sa People’s Initiative para sa isinusulong na Charter Change kung saan nakatanggap na ang COMELEC ng signature ng forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,436 total reads

 2,435 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,023 total reads

 54,023 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,389 total reads

 139,389 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,125 total reads

 186,125 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,997 total reads

 233,997 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,375 total reads

 335,375 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top