Mananampalataya hinimok ng Obispo na sama-samang manindigan sa kasagraduhan ng buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,719 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang taunang Walk for Life ay isang pambihirang pagkakataon upang maipamalas ng lahat ang sama-samang paninindigan sa kasagraduhan ng buhay.

Ito ang ibinahagi ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Vocations (ECV) kaugnay sa nakatakdang Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024.

Ayon sa Obispo ang taunang gawain ay isang pagkakataon upang tuwinang maipamalas ng Simbahan ang pakikipaglakbay nito patungo sa iisang layunin na isulong ang karapatan, kasagraduhan at dignidad ng buhay ng bawat nilalang sa lipunan.

“Sana po ay maging opportunity ito yung Walk for Life, yung mission of accompaniment sa Simbahan. Ganyan naman talaga ang misyon ng Simbahan na ‘walk with’ not to be ahead, not to be behind but to walk with, at para sa akin ay isang pagkakataon ito na sabay sabay tumungo sa isang layunin na magkaroon ng buhay, makabuluhan na buhay ang lahat.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Gaa sa Radio Veritas.

Ang taunang Walk for Life ay unang isinagawa noong taong 2017 na dinadaluhan ng mga laiko mula sa iba’t ibang diyosesis at lay organization na isinasagawa din sa iba pang diyosesis sa buong bansa.

Napiliping tema ng “Walk for Life 2024” ang “Together, We Walk for Life” na nakatakda sa ika-17 ng Pebrero, 2024 mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga.

Magsisimula ang paglalakad para sa buhay sa Welcome Rotonda, Quezon City patungo sa University of Santo Tomas (UST) Grandstand sa España, Manila kung saan inaasahang pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa.

Bukod kay Cardinal Advincula, inaasahan rin ang pakikibahagi sa nakatakdang Walk for Life 2024 nina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; CBCP-Episcopal Commission on the Laity Chairman, Dipolog Bishop Severo Caermare; at Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,467 total reads

 2,467 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,061 total reads

 54,061 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,427 total reads

 139,427 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,163 total reads

 186,163 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,035 total reads

 234,035 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,410 total reads

 335,410 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top