Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 72,518 total reads

Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma.

Sa kaniyang homiliya binigyan tuon ng arsobispo ang abo at Krus, na sumisimbolo ng ating, pagsisi at paghahanda ng ating kalooban para kay Hesus na nagpakasakit, namatay at muling nabuhay para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

“Let us pray and serve with humility and total dependence on God.” Ayon pa sa homiliya ni Cardinal Advincula.

Paalala pa ng pinunong pastol ng Maynila na ang abo ay nangangahulugan din na ang lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas at may katapusan, subalit hindi ang pagmamahal ng Panginoon.

Giit ni Cardinal Advincula, ang salapi, katanyagan at kapangyarihan ay nawawala, gayundin ang kagandahan at kalusugan na lumilipas sa pag-usad ng panahon.

“Hindi forever ang mga bagay sa mundo kahit pa anong pilit natin, pero minsan niloloko natin ang sarili natin. Tinatago natin ang ating yaman sa halip na linangin at ibahagi. Sinasakim natin ang poder, sa halip na gamitin sa wagas na paglilingkod. Inaabuso natin ang kalikasan sa halip na alagaan. Nag-aadik tayo sa sarap at saya, o nagtatanim ng galit o nag-iipon ng lungkot o nagtatago ng takot sa halip na magbukas o mag-alay ng sarili sa pagmamahal at pagmamalakasakit,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.

Giit ni Cardinal Advincula, hindi sa mundo matatagpuan ang walang katapusan kundi tanging matatagpuan sa piling ng Ama sa langit.

“Ang forever ay ang biyayang galing sa Langit at ito ang dahilan kung bakit hugis Krus ang abo na ipapahid sa noo natin. Ang hugis Krus ay paalala sa nag-iisang forever at iyon ay ang pagmamahal ng Diyos, pagmamahal na walang hanggan, pagmamahal na walang pasubali. Ito lang ang mapanghahawakan natin at ang totoong tumatagal at tumutuloy ay ang mahabaging pagmamahal at ang ganap na katarungan ng ating Ama sa langit.”

Ang Miyerkules De Ceniza ay isang tradisyon ng mga Katoliko na paglalagay ng abo sa noo na sumisimbolo ng kamatayan, pagbabalik-loob, at pagbabago.

Ito rin ang hudyat ng pagsisimulang 40 araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 12,582 total reads

 12,582 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 38,439 total reads

 38,439 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 98,937 total reads

 98,937 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 119,131 total reads

 119,131 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 199,785 total reads

 199,785 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 299,708 total reads

 299,708 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top