Heartfelt conversion para sa kapwa at kalikasan, panawagan ng Obispo sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,884 total views

Hinamon ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na pagnilayan at ibahagi sa kapwa ang pag-ibig ng Diyos ngayong Kuwaresma.

Ayon kay Bishop Alminaza, ang walang katumbas na pag-ibig ng Panginoong Hesus ang naging dahilan upang Kanyang ialay ang sarili para sa katubusan ng sanlibutan mula sa kasalanan.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma, hudyat ng paghahanda sa paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoon, na maituturing ding simbolo ng pagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

“The convergence of these observances offers us a profound moment to reflect on the nature of love — not just the romantic love we often associate with Valentine’s Day, but the agape love that Christ teaches us: unconditional, sacrificial, and encompassing all creation,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Panawagan naman ni Bishop Alminaza, na siya ring vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, na ngayong Kuwaresma nawa’y pagnilayan din ang mga usapin at alalahaning makakaapekto para sa kapakanan ng kalikasan at mga susunod na henerasyon.

Paliwanag ng obispo na ito’y paanyaya sa bawat isa upang higit na maunawaan ang kahulugan ng tunay na pag-ibig na nagpapakita ng paggalang sa karapatan at pagsasaalang-alang sa ikabubuti ng kapwa.

Umaasa si Bishop Alminaza na magsilbing inspirasyon ang pag-ibig ng Panginoon upang higit na itaguyod ang magkakatuwang na paninindigan para sa kabutihan ng nakararami, katarungang pang-ekonomiya, at pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

“Let us remember that we are called to a love that sacrifices, that shares, and that safeguards the welfare of all, especially the least among us. May this Lenten season be a time of meaningful reflection, heartfelt conversion, and a rekindled commitment to live out the radical, self-giving love that Christ himself has shown us,” ayon kay Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 13,840 total views

 13,840 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,854 total views

 63,854 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,723 total views

 59,723 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,905 total views

 95,905 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,022 total views

 104,022 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top