2nd collection sa 6 na linggo ng kuwaresma, ilalaan ng RCAM sa Alay Kapwa programs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,755 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na suportahan ang Alay Kapwa 2024.

Sa mensahe ng cardinal, binigyang diin na kasabay ng kuwaresma at paghahanda sa Paschal Triduum ay nararapat paigtingin din ng bawat isa ang habag at awa sa kapwa lalo’t higit sa nangangailangang sektor ng lipunan.

Kinilala ng arsobispo ang malaking tungkulin ng Alay Kapwa na deka-dekadang naglingkod sa pamayanan sa pamamagitan ng mga pangunahing program tulad ng feeding program sa mga kabataang may malnutrisyon.

“The Church, through Alay Kapwa 2024, seeks to help us live out compassion by sharing our blessings with the needy. Alay Kapwa has long served as a channel for generosity to support our social services to the poor and marginalized, victims of calamities and disasters,” bahagi ng liham pastoral ni Cardinal Advincula.

Kaugnay nito ilalalaan ng arkidiyosesis sa Alay Kapwa programs ang malilikom na pondo sa lahat ng second collection sa misa sa loob ng anim na linggo ng kuwaresma o February 18 hanggang March 24, 2024.

“As we continue to provide social services to the poor, it is our fervent prayer that we support Alay Kapwa 2024,” ani Cardinal Advincula.

Tinukoy ng cardinal ang Damayan Program na ipinatutupad ng Caritas Manila, ang social arm ng arkidiyosesis kung saan tinututukan ang pagtulong sa mahihirap na komunidad, kabataan at mga biktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad sa buong bansa.

Samantala una nang hinimok ni Radio Veritas President at Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual ang mamamayan na suportahan ‘Alay-kapwa 40 for 40 Challenge’ o ang pagtitipid ng 40 piso kada araw sa loob ng 40 araw ng kuwaresma o kabuuang 1, 600 piso na gagamitin sa mga programa ng alay kapwa partikular ang feeding program ng simbahan na tumutugon sa usapin ng malnutrisyon sa kabataan gayundin sa mga nasalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,632 total views

 62,632 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,501 total views

 58,501 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,703 total views

 94,703 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 102,876 total views

 102,876 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,971 total views

 126,971 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top