Lenten challenge 2024, inilunsad ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,047 total views

Inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Lenten Challenge 2024 na magsisilbing gabay sa mananampalataya sa paglalakbay ngayong kuwaresma.

Layunin ng programa na higit lumago ang pananampalataya ng mamamayan gayundin ang pag-asa at pag-ibig na pinakabuod sa buong pagdiriwang ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Tampok sa “TO-DO Calendar for Lent” ang mga gawaing makatutulong sa paghuhubog bilang mabuting mamamayan sa kristiyanong pamamaraan.

This “TO-DO Calendar for Lent” is our way of encouraging the faithful, especially in Cebu, to make the most out of the Lenten celebrations— aside from the usual religious traditions and popular practices we have — as we journey together in our individual and synodal reflection, conversion, and renewal,” bahagi ng pahayag ng Archdiocese of Cebu.

Nakatuon sa tatlong itinuring na pundasyon ng kuwaresma at mahal na araw ang mga gawaing itinampok sa To-Do Calendar na ‘prayer, fasting and almsgiving.’

Nagsimula ang lenten challenge nitong February 14 sa paggunita ng Ash Wednesday hanggang sa March 31 ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

Unang hinimok ng mga lider ng simbahan ang mananampalataya na paigtingin ang buhay pananalangin, pag-ayuno at kawanggawa ngayong kuwaresma.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, nawa’y gamitin itong pagkakataon para sa pagpapanibago at pagsibol ng pananampalatayang hitik ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Read: https://www.veritasph.net/suriin-ang-ugnayan-sa-panginoon-paalala-ni-bishop-ongtioco-sa-mga-mananampalataya/

Binigyang diin ng obispo na ang pag-aayuno ay hindi lamang tumutukoy sa pagkain kundi maging sa pananalita at pakikitungo sa kapwa kaya’t mahalagang suriin ang sarili kug nagagampanan ang pagiging tunay na bahagi sa komunidad na nakaugat sa pag-ibig ni Kristo.

Read: https://www.veritasph.net/mananampalataya-hinimok-ng-obispo-na-makiisa-sa-pagsisimula-ng-kuwaresma/

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 13,650 total views

 13,650 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,664 total views

 63,664 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,533 total views

 59,533 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,724 total views

 95,724 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,851 total views

 103,851 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top