Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 14,794 total views

Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18

Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang Valentines Day ngayon dahil Ash Wednesday, araw ng penitensya?“ Meron pa bang mas makabuluhan at mas magandang pagkakataon para makapag-date ang mga nagmamahalan kaysa magsimba na magkasama sa araw na ito ng Miyerkoles ng Abo? Sorry hindi hugis puso kundi hugis-krus ang iguguhit sa mga noo ninyo.

Hayaan nyong ifocus ko sa aking pagninilay sa mga pagbasa natin sa araw na ito ang tema ng pag-ibig. Sa unang pagbasa pa lang, dinig ko na sa mga salita ng propetang si Joel ang tinig ng pag-ibig mula sa Diyos na nagsusumamo sa kanyang bayan, “Magbalik-loob ka sa akin nang buong puso… Magbalik-loob ka sa Panginoon na iyong Diyos na puno ng kagandahang-loob at malasakit, hindi mapagtanim ng galit.”

Ganoon din ang tono ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa—nagsusumamo daw siya sa mga taga-Korinto na kung maaari ay makipagkasundo na sila sa Diyos. Nakikiusap daw siya bilang bilang kinatawan ni Kristo, siya na umako sa ating pagkakasala dahil sa hangarin na maituwid tayong kanyang mga minamahal.

At sa narinig nating Gospel acclamation mula sa Psalm 95, sabi ng manunulat, Kung sakaling daw na sa araw na ito ay marinig nila ang kanyang tinig, huwag daw sanang magmatigas ang kanilang mga puso. Hindi ba romantic ang mga pagbasang iyan?

Sa ebanghelyo naman, paulit-ulit na ipinaaalala ni Hesus sa kanyang mga alagad ang dapat maging hangarin natin sa ating almsgiving o pagkakawang-gawa, prayer o pananalangin at fasting o pag-aayuno. Na huwag itong gagawin para magpakitang tao. Kailan nagiging totoo ang mga ito? Only if you did it for love. Di ba may isang love song sa Ingles na ganito ang sinasabi:
“Kiss today goodbye�The sweetness and the sorrow�Wish me luck, the same to you�But I can’t regret�What I did for love, what I did for love!”

Tagalugin natin:
“Humalik ka’t magpaalam sa kasalukuyan,
sa matatamis at mapapait na mga pinagdaanan
Pabaunan ako ng pagpapala, gayundin ako sa iyo,
Hinding-hindi ko pagsisisihan kailanman
ang ginawa ko sa ngalan ng pagibig, sa ngalan ng pagibig!”

Ganito rin ang paalala ng Panginoon sa atin, kung nais natin gawing totohanan ang ating Penitensya sa Kuwaresma: That we do our almsgiving, our praying and our fasting…only for love… Na gawin natin ang ating pagkakawanggawa, pananalangin at pag-aayuno alang-alang sa pag-ibig kung ibig natin na maging tunay na makabuluhan ang mga ito.

Sa PAGKAKAWANG-GAWA: Na kung magbibigay tayo, gawin nating walang hinihintay na kapalit. Kaya nga ang orihinal na salita para sa pag-ibig sa Latin ay Caritas. Hindi lang love, kundi unconditional love. Iyon ang tunay na charity—hindi ambag na pakitang tao. Walang kundisyon, walang kabayaran, taos-puso.

SA PANANALANGIN: Na matutuhan natin ang tunay na pakikipagkaisang-puso at diwa sa Diyos at sa isa’t isa sa diwa ng panalangin. Para kahit magkalayo tayo pwede pa rin manatiling magkalapit, pwedeng manatiling nakaugnay—iyun bang kahit wala ka, nariyan ka pa rin sa loob ko. We remain present even in our absence, by uniting in mind, heart and soul. Iyon ang saysay ng pananalangin.
SA PAG-AAYUNO: Na kapag tayo’y nagsakripisyo, hindi masakit, hindi mabigat sa loob, hindi pilit. Gagawin natin na kusang-loob ang maglaan, magparaya, ang maghandog. Ang alay mo ay hindi pera, hindi oras, hindi kayamanan kundi sarili, sariling dugo, luha, pawis. Iyung handa kang ibigay lahat, hindi ka takot maubos. At gagawin mo ito, alang-alang sa pagibig. You do it only for love.

Ito ang kahulugan ng Kuwaresma. Panahon ito ng pagsasanay, para mahubog at madalisay ang ating mga puso. Upang matuto tayong umibig at magmahal nang wagas, katulad ng pag-ibig ng Diyos na pinatunayan niya sa buhay, pagdurusa, kamatayan at pagkabuhay ng ating Panginoong Hesuskristo.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 19,560 total views

 19,560 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 25,784 total views

 25,784 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 34,477 total views

 34,477 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 49,245 total views

 49,245 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 56,367 total views

 56,367 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 501 total views

 501 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 2,705 total views

 2,705 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 2,739 total views

 2,739 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 4,092 total views

 4,092 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 5,189 total views

 5,189 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 9,411 total views

 9,411 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 5,135 total views

 5,135 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 6,505 total views

 6,505 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 6,766 total views

 6,766 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 15,459 total views

 15,459 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 8,171 total views

 8,171 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 8,303 total views

 8,303 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 9,290 total views

 9,290 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 9,291 total views

 9,291 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 12,045 total views

 12,045 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top