Catholic virtues, paiigtingin ng Pasig Catholic College

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,953 total views

Tiniyak ng Diocese of Pasig ang pagpapaigting sa paghuhubog ng mga kabataan sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon.

Ito ang pahayag ni Bishop Mylo Hubert Vergara sa 111th founding anniversary ng Pasig Catholic College kung saan binibigyang diin ang pagpapatatag sa catholic education.

“Ang commitment ng Diocese [Pasig] ay lalong patatagin yung Catholic Education Program lalo na ang ating Christian living na subjects. Yung secular education walang tinatawag na paghuhubog tungkol sa faith kaya napakahalaga ng Catholicity ng ating mga parochial schools, catholic schools and universities,” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na siya ring chairman ng Board of Trustees ng institusyon na mahalagang mabigyang panahon ang pagtuturo sa kabataan hinggil sa pananampalataya upang mahubog ang Catholic values ng mga estudyante gayundin ang kanilang spiritual life at religiousity.

Hango sa tema ng pagdiriwang na ‘Enlarging our tents: Walking together to do justice, and to love goodness, and to walk humbly with your God’ sinabi ni PCC President Fr. Daniel Estacio na palalawakin ang hamong kalingain ang pamayanan lalo na ang sektor ng mga maralita.

Tinukoy ng pari ang adopted community na Pamayanan ng Sta. Rosa kung saan ito ang magiging daan upang isakatuparan ang misyong ‘enlarging our tent.’

“Ang hamon ng Pasig Catholic College to continue to enlarge our tent, to enlarge our hearts specially sa mga poor, sa mga nangangailangan lalo na ngayon na we have an adopted community yung Pamayanan ng Sta. Rosa so we can channel the help, the assistance to that community so that we can journey witht them to bring them closer to the Lord as we serve them,” ani Fr. Estacio.

Ibinahagi rin ng pari ang pagtutulungan ng PCC at lokal na pamahalaan ng Pasig sa pangunguna nina Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Robert Jaworski Jr. sa PAGASA scholarship program kung saan may 1, 000 kabataan ng Pasig ang maaring makinabang kada taon.

“Inaanyayahan po namin ang mga taga Pasig to avail that quality Catholic education na ibinibigay ng paaralan sa tulong ng local government of Pasig in terms of scholarship program,” giit ng pari.

Inaanyayahan din ni College Dean Ms. Leonora Fernandez ang mga papasok sa kolehiyo na mag-enroll sa PCC lalo’t sa loob ng pitong dekada ng kolehiyo ay matagumpay na sa iba’t ibang larangan ang mga indibidwal na nagsitapos dito.

Kabilang sa mga kursong maaring kunin ng mga mag-aaral ang Education, AB Communication & Journalism, Psychology, Accountancy, Business Administration, Entreprenuership, at Information Technology gayundin ang Graduate Studies ng Education at caregiving programs.

“So, we are really inviting the students those who are going to college, chose our very own Pasig Catholic College. Eversince PCC especially the College Department is really offering good quality Catholic education,” ani Fernandez.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang enrollment sa kolehiyo kaya’t maaring makipag-ugnayan sa (02) 8642-7541, sa 0923 949 4124 o bisitahin ang kanilang website para sa online enrollment sa www.pasigcatholic.edu.ph.

Batay sa kasaysayan itinatag ang PCC ni Fr. Pierre Cornelis de Brouwer, CICM noong 1913 upang mapalawak ang misyon ng CICM missionaries sa pagtuturo sa mga kabataan sa pag-ibig sa Panginoon gayundin ang pagpapanatili sa cultural heritage at tradisyon ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 23,637 total views

 23,637 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 41,437 total views

 41,437 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 41,437 total views

 41,437 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 154,427 total views

 154,427 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 174,999 total views

 174,999 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 4,170 total views

 4,170 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top