Paniningil ng PhilHealth premium contributions, pinatitigil ng mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,005 total reads

Iminungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang pansamantalang pagpapahinto ng paniningil ng PhilHealth premium contributions sa lahat ng mga minimum wage earners, kasama na ang mga self-employed.

Ayon sa House Resolution 1595, sinabi ni Quimbo na dapat gamitin ang mga hindi nagamit na alokasyon sa PhilHealth sa premium subsidy, upang makatulong sa mga manggagawa.

“This temporary suspension is not just about providing short-term economic relief but also about initiating a comprehensive review of PhilHealth’s benefits and contribution structure. The goal is to expand health benefits for all members and potentially reform the contribution structure, or even to possibly eliminate premiums for minimum wage earners and self-employed individuals earning the equivalent of minimum wages.” ayon kay Quimbo.

Noong 2022, naglaan ang Kongreso sa Philhealth ng 80 billion pesos bilang subsidy sa mga mahihirap na pamilya, senior citizen at persons with disabilities na ayon na rin sa ahensya ay hindi nagamit ang 24 billion pesos sa pondo.

Gayundin sa nakalipas na taon na pinaglaanan ng 79 billion pesos, kung saan may nalalabi pang 39 billion pesos.

Paliwanag ni Quimbo, kayang tustusan ng hindi nagamit na pondo ang premium contributions ng minimum wage earners sa loob ng isang taon nang hindi nakokompromiso ang financial stability ng PhilHealth lalo’t noong 2022 ay 19.6 billion pesos lamang ang premium contribution.

Inaasahan ding aabot sa P463 billion pesos o pagtaas ng 68 percent ang financial reserve ng Philhealth mula sa nakalipas na taon, bukod sa masisingil sa mga miyembro at pondong inilagak ng Kongreso na hindi pa nagagastos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,026 total reads

 42,026 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,390 total reads

 127,390 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,127 total reads

 174,127 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,999 total reads

 221,999 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,022 total reads

 324,022 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top