Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 136,945 total reads

Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga ng pinsala ng mga kalamidad sa ating bansa sa darating ng 50 taon. Kaya’t mahalaga na tayo ay maging handa sa anumang sakuna sa pamamagitan ng tamang disaster preparedness.

Una sa lahat, ang pagpaplano ay isang mahalagang hakbang sa disaster preparedness. Dapat mayroon tayong maayos na plano kung paano tayo kikilos sa panahon ng kalamidad. Hindi lamang ito applicable, kapanalig, sa national o local level. Napakahalaga na magsimula ito sa mga tahanan pa lamang. Ang kaligtasan ng lahat ay ating matitiyak kung ang bawat kabahayan ay laging handa.

Upang magawa natin ito, kailangan natin ng malawakang kampanya ukol sa disaster preparedness. Kailangan natin maikalat ang kaalaman sa tamang aksyon sa panahon ng kalamidad. Tandaan natin, hindi pare-pareho ang tugon sa lahat ng uri ng kalamidad.

Pangalawa, mahalaga rin ang pagbuo ng mga emergency kit o “go-bag” na naglalaman ng mga mahahalagang gamit tulad ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang kailangan sa panahon ng kalamidad. Dapat ito ay laging handa at madaling ma-access sa oras ng pangangailangan. Again, kapanalig, ang household ang nangunguna dito.

Pangatlo, mahalaga ang pagtutulungan at koordinasyon ng pamahalaan at ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad. Dapat ay mayroong maayos na sistema ng komunikasyon at koordinasyon upang mapadali ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Mahalaga rin ang pagiging mapanuri at maingat sa panahon ng kalamidad. Dapat nating pakinggan ang mga babala at payo ng mga awtoridad at sumunod sa mga ito upang mapanatiling ligtas ang ating mga sarili at ang ating mga kapamilya.

Ang disaster preparedness ay isang mahalagang responsibilidad ng bawat mamamayan. Dapat nating pagtuunan ng pansin at bigyan ng importansya ang pagiging handa sa anumang sakuna upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Sabi nga sa Laudato Si: Kung hindi natin tutugunan ang mga epekto ng trahedya na laging bumibiktima sa marami nating mga mahirap na kapwa, nangangahulugan ito ng kawalan ng pagkilala sa ating responsibilidad sa isa’t isa, na siyang pundasyon ng maayos na lipunan.

Sumainyo ang Katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 48,069 total reads

 48,069 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 47,478 total reads

 47,478 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 81,472 total reads

 81,472 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 183,297 total reads

 183,297 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 223,856 total reads

 223,856 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 242,491 total reads

 242,491 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 47,479 total reads

 47,479 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 81,473 total reads

 81,473 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 183,298 total reads

 183,298 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 223,857 total reads

 223,857 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top