Huwag kalimutan ang diwa ng EDSA, paalaala ng obispo sa kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,500 total views

Ipinapaalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa mamamayan higit na sa mga kabataan na huwag kalimutan ang mga aral at adhikain ng EDSA People Power Revolution.

Ito ang ibinaging mensahe ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto, ang chairman ng komisyon, kasabay ng paggunita sa ika-38 anibersaryo ng makasaysayang bloodless revolution na naging hudyat ng pagtatapos ng diktadurya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Sa mga kabataan ay balikan natin ang mga pangyayari na naganap kung ang mga tao ay nagkaroon ng non-violent reaction, revolution doon, tinuturo nito sa mga kabataan ang pagkilos ng hindi marahas sa mga katiwaliang naganap alam natin na sa tulong din ng Mahal na Ina sa pagdarasal mangyayari ang pagbabago,” ayon kay Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan din ng Obispo ang patuloy na pagsusulong ng pagkakaisa sa lipunan upang maiparating sa pamahalaan ang mga hinaing ng bayan na kinakailangan ng kagyat na pagtugon.

Gayundin ayon sa obispo ang pagkakaisa ng mga pinuno ng bansa upang maging katuwang ng mamamayan upang sama-samang matamasa ang pag-unlad ng bayan.

“Higit sa lahat, ang mga pagnanais nating maging masagana, maunlad sa pagtutulungan natin bilang mga mamamayan at sa ating mga leaders, nawa ay maisakatuparan ang diwa na ito ng EDSA, ilipat ang pagmamahal sa bayan, sa pagsusulong ng bayan para sa kapakanan ng mga mamamayan “

Una nang itinuring ni Sr. Asuncion “Cho” Borromeo, FFM, isa sa mga madre sa 1986 EDSA People Power Revolution, na ang pagtitipon ng napakaraming Filipino sa EDSA bilang isang himala.

Dagdag pa ng madre, higit na nanaig ang pananampalataya ng bawat Filipino na nagresulta sa isang mapayapang pag-aaklas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,652 total views

 47,652 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,521 total views

 43,521 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,723 total views

 79,723 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,425 total views

 88,425 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,703 total views

 113,703 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top