“Lent is a time to change, a time of change”- Archbishop Tirona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,604 total views

Inaanyayahan ni Caceres Archbishop-emeritus Rolando Tria Tirona ang mananampalataya na samantalahin ang panahon ng Kuwaresma sa pagbabalik-loob sa Panginoon.

Ayon sa Arsobispo, ang panahon ng Kuwaresma ay isang pagkakataon upang makapagbago hindi lamang ng paraan ng pag-iisip kundi maging sa pagkilos upang higit na mapalapit sa Diyos.

Paliwanag ni Archbishop Tirona, mahalaga ring maunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng paglilingkod o pag-aalay sa kapwa lalo’t higit sa mga taong nangangailangan sa lipunan.

“Ngayon panahon ng kwaresma, inaanyayahan ko kayong baguhin ang ating pag-iisip o change of mindset, baguhin ang ating mga damdamin, lalo na baguhin ang ating mga kilos. Kilos o action that inclined ourselves to the poor… Self-awareness, call to conversion and especially renewal of our being, of our person, of our actions… Lent is a time to change, a time of change, above all a time of giving ourselves to Almighty God.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Tirona.

Pagbabahagi ng Arsobispo, mahalagang gamiting pagkakataon ng bawat isa ang panahon ng Kuwaresma na makapagbagong buhay upang mapalapit sa Panginoon na kailanman ay hindi inabandona ang sinuman sa kabila ng mga nagawang kasalanan.

“God is love and He never abandon us, we abandon God but God never abandons us… We need to convert to go back to God.” Dagdag pa ng Arsobispo.

Una ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang tatlong mahalagang panuntunan na dapat na sundin ng bawat isa para sa makabuluhang paggunita ng panahon ng Kuwaresma -ang pag-aayuno, pagdarasal at pagtulong sa mga nangangailangan.

Ang Kuwaresma ay ang apatnapung araw na paghahanda ng Simbahan sa pagggunita ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon oonalalapit na Mahal na Araw at Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus matapos ang kanyang pagpapakasakit sa Krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 26,577 total views

 26,577 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 44,377 total views

 44,377 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 44,377 total views

 44,377 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 157,237 total views

 157,237 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 177,510 total views

 177,510 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 14,353 total views

 14,353 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top