Pananagutan ng mga lokal na opisyal sa Chocolate hills resort, tiniyak ng DILG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,860 total views

Kinondena ng Department of the Interior and Local Government ang pagtatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, dapat managot ang sinumang may kaugnayan sa itinayong imprastraktura sa bahagi ng isa sa mga iniingatang likas na yaman ng bansa.

Ang Chocolate Hills ay kabilang sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO World Heritage Site, at itinuturing na protected area sa bisa ng Proclamation No. 1037 series of 1997 at Republic Act 7586 o ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.

“We will look into the accountability of the local government units (LGUs) concerned. Should there be neglect of duty or any other irregularity on the part of the officials tasked with protecting and overseeing the area, we will not hesitate to pursue appropriate legal actions,” pahayag ni Abalos.

Iginiit ng kalihim na ang mga lokal na pamahalaan ang dapat na manguna at maging halimbawa sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Paliwanag ni Abalos na nakasaad sa Local Government Code na mandato ng LGUs na paigtingin ang karapatan ng mamamayan para sa balanse at ligtas na kapaligiran.

“If illegal construction was allowed within a protected area, this would fall gravely short of this responsibility,” saad ni Abalos.

Nangako naman ang DILG na makikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources sa paglikha ng mga resolusyon kaugnay ng usapin.

Una nang hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na higit pang isabuhay ang pagiging mabubuting katiwala ng Diyos sapagkat ang kabutihan ng kalikasan ay magkakatuwang na tungkulin ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,326 total views

 51,326 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,195 total views

 47,195 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,397 total views

 83,397 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,995 total views

 91,995 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,981 total views

 116,981 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top