Katiyakan sa pagkain sa panahon ng tagtuyot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 264,979 total reads

Kapanalig, sa panahon ng tagtuyot, nasa likod na ng isipan ng marami nating kababayan ang pag-aalala at nasa dibdib na rin nila ang kabog ng takot. Sasapat kaya ang pagkain ng pamilya ko  ngayong panahon ng tagtuyot?

Ang laki ng epekto ng tagtuyot sa bansa. Marami pa ring lugar sa ating bayan ang agrikultural o rural. At sa mga rural areas na ito, nakatira ang karamihan sa maralitang Filipino. Mahigit 25% ang rural poverty sa ating bansa kapanalig. At hanggang ngayon, ang mga magsasaka at mangingisda pa rin ang mga sektor na may pinakamataas na poverty incidence- 30% para sa mga farmers, at 30.7% sa mga fisherfolks.

Kapag tagtuyot, kapanalig, mas liliit ang produksyon ng mga magsasaka. Bulnerable ang kanilang pananim. At hindi gaya ng bagyo na dadaan panandalian, iba naman ang epekto ng tagtuyot sa sakahan. Buwan ang inaabot ng tagtuyot at dahil dito, walang pananim, walang ani sa mahabang panahon.

Kapag tagtuyot, kapanalig, naapektuhan din ang produksyon ng mga mangingisda. Nagkakaroon ng coral bleaching, mas umaalat at umiinit ang dagat, at nagdudulot din ito ng sakit sa mga isda. Ang mga isa din naghahanap ng mas malamig na lugar, kaya’t malalim ang kanilang nilalanguyan o minsan, lumilipat ng lugar. At dahil ang tagtuyot ay umaabot ng buwan, ang day to day harvest ng mangingisda ay paunti ng paunti.

Ang El Nino kapanalig, ay hindi maiiwasan. Natural na dumadapo ito sa ating bayan, at nasa ating kamay kung paano tayo maghahanda para dito. At ngayong dama na natin ang tigang na dala nito, kaya pa ba natin? Sasapat pa ba ang ating pagkain, lalo na ng  mga rural poor, sa darating na  mga buwan?

Hindi lamang gutom ang ang mararamdaman ng marami dahil sa tagtuyot. Paliliitin nito ang kita ng agricultural sector at magdudulot ng pagtataas ng mga presyo ng mga pagkain. Kung hindi tayo nakakapaghanda dito, magiging malupit ang tagtuyot para sa maraming Pilipino. Ang pagtatag ng mga sustainable sources of water at ang pagtatanim ng mga halamang akma sa tagtuyot ay ilan lamang sa mga paraan na maari nating magawa. Pero kulang ito, kapanalig, kaya’t kailangan nating kumilos pa. Sabi nga sa Gaudium Et Spes: By the work of our hands or with the help of technology, we till the earth to produce fruit and to make it a dwelling place fit for all of humanity. Nasa kamay natin mismo ang paghahanda para sa tagtuyot, at sana’y nakaprepara tayo para dito.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,698 total reads

 50,698 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,437 total reads

 147,437 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,706 total reads

 191,706 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,815 total reads

 214,815 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,717 total reads

 287,717 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 50,699 total reads

 50,699 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,438 total reads

 147,438 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,707 total reads

 191,707 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,816 total reads

 214,816 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top