Magbagong anyo para sa kalikasan, panawagan ng LLS Philippines sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,676 total reads

Hinimok ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya na magbagong-anyo para sa sangnilikha.

Ayon kay LLS Philippines executive director Rodne Galicha, ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay magandang pagnilayan ang mga nagawang kasalanan hindi lamang sa kapwa, kundi maging sa kalikasan.

Sinabi ni Galicha na ang Easter Season ay panawagan sa bawat isa na magbago at talikuran ang mga nakasanayang maling gawain upang makamtan ang kapayapaan at kabanalan ng buhay.

“Ang sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’: On Care for Our Common Home, bilang 237: ‘…ang araw ng Pagkabuhay na Mag-uli, ang “unang araw” ng bagong paglikha, na ang mga unang bunga ay nabuhay na pagkatao ng Panginoon, ang pangako ng huling pagbabagong-anyo ng lahat ng nilikha’,” ayon kay Galicha.

Inihalimbawa nito ang nararanasang ecological crisis sanhi ng labis na pananamantala ng mga tao sa kalikasan.

Iginiit ni Galicha na paulit-ulit nang ipinapaalala sa lahat na ang tao ay katiwala lamang ng sangnilikha at walang karapatang gamitin ito para sa pansariling kapakanan na kalauna’y magdudulot ng panganib sa kaligtasan ng tao.

Apela nito sa mananampalataya na isabuhay ng buong puso ang ecological conversion upang maisalba ang sangnilikha laban sa tuluyang pagkaubos at pinsala.

“Ngayong panahon ng ecological crisis, tayo ay tinatawag upang magbagong-anyo, sa ating mga gawi, sa pakikitungo sa ating kapwa at sa buong sangnilikha. Isang paalaalang kilalanin ang ating pinagmulan, ang buong nilikha, na maging tunay na katiwala at tigilan na ang pananamantala,” saad ni Galicha.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 15,105 total reads

 15,105 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 35,723 total reads

 35,723 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 104,659 total reads

 104,659 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 190,027 total reads

 190,027 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 236,763 total reads

 236,763 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 284,635 total reads

 284,635 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 383,321 total reads

 383,321 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 171,765 total reads

 171,765 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top