Photo courtesy: CBCP News

Bigyan ng pantay na pagpapahalaga ang kalikasan, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 25,093 total views

Nananawagan ang Archdiocese of Capiz na isulong ang pagkakaroon ng balanse o patas na pagbibigay ng halaga sa pagitan ng kalikasan at negosyo.

Ayon kay Archbishop Victor Bendico, maraming kagubatan at lupain ang naubos na ang mga punongkahoy dahil mas pinagtutuunan ang pagtatayo ng mga negosyo upang pagkakakitaan.

“Maraming bukirin na ang nakakalbo dahil sa sariling interes ng mga negosyante. Pinuputol ang mga punong kahoy at tinataniman ng mga mais. Mas madali ang pera sa mais kaya lang nagkakaroon na ng “fast crop” mentality ang mga malalaking negosyante,” pahayag ni Archbishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ng arsobispo na kabilang sa mga pinagtutuunan sa bansa ang sektor ng agrikultura upang mapagkunan ng makakain at pagkakakitaan ng mamamayan ngunit, dapat pa ring isaalang-alang ang kapakanan ng kalikasan na malaki rin ang tulong para sa mga tao.

Paliwanag ni Archbishop Bendico na ang kalikasan, lalo na ang kagubatan ay mahalaga ang tungkulin upang mapanatili ang malinis at preskong kapaligiran lalo na ngayong tag-init.

“Dahil sa napaka-init na panahon ngayon, masasabi natin na pinapasok na ng tao ang ‘sanctuary’ ng mga punongkahoy at hayop… Paraiso para sa mga hayop ang ating mga bukirin noon pero ngayon, wala na silang masilungan. Ang mga punong kahoy na noon ay kakampi natin tuwing kalamidad, bagyo, at tag-init ay halos wala na. Kaya wala nang kumakampi sa atin ngayon dahil hindi na natin inaalagaan ang ating kapaligiran,” ayon kay Archbishop Bendico.

Magugunita noong unang araw ng Abril nang maitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang 44-degrees Celsius heat index sa Roxas City, Capiz.

Naibahagi rin ng arsobispo na bago pa man ang paggunita sa Semana Santa ay ramdam na ang maalinsangang panahon sa Capiz.

March 22, 2024 nang opisyal nang ideklara ng PAGASA ang Summer Season kaya’t binalaan ang publiko sa pag-init pa ng panahon sa mga susunod na araw na palalalain pa ng umiiral na El Niño Phenomenon.

Dalangin naman ni Archbishop Bendico na magising ang kamalayan ng lahat sa mga nangyayaring pagbabago sa kapaligiran at simulang isabuhay ang mga turo ng Laudato Si’ at Laudate Deum bilang pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 30,815 total views

 30,815 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 36,233 total views

 36,233 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 42,940 total views

 42,940 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 57,735 total views

 57,735 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 63,891 total views

 63,891 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Pagpapabilis sa proseso ng mining permits, tinututulan ng ATM

 502 total views

 502 total views Tinututulan ng Alyansa Tigil Mina ang plano ng Department of Environment and Natural Resources na pabilisin ang proseso sa pagbibigay ng mining permits. Ito’y matapos na i-anunsyo ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na gawing tatlong taon mula sa anim na taon ang proseso sa mining permits para sa pagpapatupad ng digitalization sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Katotohanan sa pamamahayag, kinakailangan sa paglaban sa climate change

 1,688 total views

 1,688 total views Pinuri ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng epektibo at responsableng pamamahayag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok sanhi ng pagkasira ng kalikasan at nararanasang krisis sa klima. Ayon kay CCC vice chairperson and executive director Robert E.A. Borje, sinisikap ng mga journalist o mamamahayag na palakasin ang tinig ng mga sektor

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Supreme Court, pinuri ng Caritas Philippines

 1,720 total views

 1,720 total views Suportado ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Supreme Court na ang red-tagging ay isang banta sa karapatan ng mga Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines’ president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing ang desisyon ng Korte Suprema na malaking pagbabago para sa mga tagapagtanggol ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsagip sa Danajon Bank double barrier reef, panawagan ng Obispo ng Tagbilaran

 2,019 total views

 2,019 total views Umapela ang Diyosesis ng Tagbilaran sa mamamayan at mga lokal na opisyal ng Bohol upang iligtas sa mapaminsalang pag-unlad ang Danajon Bank Double Barrier Reef. Ayon kay Bishop Alberto Uy, tungkulin ng bawat isa na isaalang-alang ang pangangalaga sa mga itinuturing na mahalagang kayamanan ng bansa upang mapanatili ang likas na ganda at

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinamong supilin ang kultura ng takot na umiiral sa bansa

 2,028 total views

 2,028 total views Nalulutas lamang ang isang suliraning panlipunan kapag ang lahat ay kumikilos at nakikibahagi. Ito ang binigyang-diin ni running priest Fr. Robert Reyes hinggil sa pag-iral ng kultura ng takot sa lipunan dulot ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Fr. Reyes, ang pagtugon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Ipagdasal ang mga bumbero, panawagan ng MOP sa mananampalataya

 2,391 total views

 2,391 total views Hinikayat ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng mga bumbero. Ayon kay Bishop Florencio, malaking tulong ang pagkakaroon ng espiritwal na paggabay sa mga bumbero lalo na’t hindi biro ang kanilang misyong pigilan ang pinsala ng sunog at magligtas ng maraming buhay.

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Cardinal Advincula may hamon sa BFP

 2,543 total views

 2,543 total views Manindigan at matapang na harapin ang pagsubok tulad ni San Floriano. Ito ang hamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection sa Banal na Misa para sa Kapistahan ni San Floriano sa BFP National Headquarters sa Quezon City. Ayon kay Cardinal Advincula, ang pagsasakripisyo at paninindigan

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago, panawagan ng simbahan sa mamamayan

 3,219 total views

 3,219 total views Hinihikayat ng simbahan ang mga mananampalataya na maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week ngayong taon. Kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng Pentekostes ay muling pangungunahan ng Laudato Si’ Movement, sa tulong ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development, ang pagdiriwang sa Laudato Si’ Week mula May

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Archdiocese of Cebu, nakiisa sa pananalangin ng ulan

 4,306 total views

 4,306 total views Maliban sa english at tagalog version, isinalin din sa Cebuano ang inilabas na Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa pagkakaroon ng ulan sa gitna ng tagtuyot. Nakikiisa ang Archdiocese of Cebu sa panawagan ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

CBCP, nanawagan ng pag-usal ng Oratio Imperata

 4,415 total views

 4,415 total views Dulot na rin ng patuloy na nararanasang init ng panahon, hinimok ng Catholic Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-usal ng Oratio Imperata upang hingin ang pagkakakaroon ng ulan. Ang Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ay paanyaya para sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan at maibsan ang matinding init dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese ng Imus magsasagawa ng Oratio Imperata laban sa El Niño

 4,716 total views

 4,716 total views Hinikayat ng Diocese of Imus ang mga mananampalataya na taimtim na manalangin laban sa lumalalang init ng panahon dulot ng El Niño Phenomenon. Sa liham sirkular, ipinag-utos ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang pag-usal ng Oratio Imperata sa mga Banal na pagdiriwang sa mga parokya at pamayanan, at hilingin ang pagkakaroon ng ulan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Manggagawa: Naway maging kasangkapan sa pangangalaga ng mundo

 3,979 total views

 3,979 total views Hinimok ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya, lalo na ang mga manggagawa, na maging kasangkapan sa pagpapahalaga at pangangalaga sa lahat ng nilalang ng Diyos. Ayon kay Bishop Mallari, ipinapaalala ng Diyos sa lahat na ang bawat paggawa ay halimbawa ng pakikiisa sa kakayahang maglalang ng Maylikha. Ang

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

EJK memorial site, pormal ng binuksan

 5,703 total views

 5,703 total views Pinasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation, Inc. ang kauna-unahang Extra-judicial killing (EJK) memorial site sa bansa na matatagpuan sa loob ng La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City. Pinangunahan ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder at President, Fr. Flavie Villanueva, SVD at Diocese of Kalookan Vicar General Fr. Jerome Cruz ang pagpapasinaya at pagbabasbas

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinimok ng Obispo na ipagdasal ang pagkakaroon ng ulan

 6,265 total views

 6,265 total views Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Abet Uy ang mga mananampalataya na manalangin para sa pagkakaroon ng ulan upang maibsan ang nararanasang matinding init ng kapaligiran. Ayon kay Bishop Uy, hindi lamang tao ang nagdurusa sa nararanasang matinding init ng panahon, kun’di maging ang mga hayop at halaman. Binigyang-diin ng obispo na hindi pagmamay-ari ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, umaasang tugunan ng Bayombong-RTC ang petisyon laban sa OGPI

 10,171 total views

 10,171 total views Hinihiling ng opisyal ng Diocese of Bayombong na masusundan pa ang mga hakbang upang mapigilan at mapahinto ang mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya. Ayon kay Diocesan Social Action Director, Fr. Christian Dumangeng, maituturing na tagumpay ang maipasa sa Bayombong Regional Trial Court ang Petition for Certiorari upang bawiin ang Financial or Technical Assistance

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top