Mamamayan, inaanyayahan na maging bahagi ng CARITAS-ISlaS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,824 total views

Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mamamayan lalu ang mga kabataan na makiisa sa Caritas Institute for Servant Leadership and Stewardship (ISLaS).

Sinabi ni Grace Devara, ISLaS Head Institute for Servant Leadership and Stewardship na ito ay upang mapadami ang mga volunteers sa mga parokya sa iba’t-ibang diyosesis sa Pilipinas na tumutulong sa mga pinakanangangailangan na mabago ang antas ng kanilang pamumuhay.

Inaanyayahan po namin ang lahat na nagnanais makibahagi sa aming adhikain na magdonate ng kanilang Time, Talent at Treasure, sama-sama po tayong maging tulay upang maiabot ang tulong at suporta sa mga mahihirap at sa mga lubos na nangangailangan,” ayon sa pinadalang mensahe ni Devara sa Radio Veritas.

Inihayag ni Devara na ang mga kasapi sa inisyatibo ay nagiging daluyan ng pag-ibig ng panginoon para sa kapwa.

Pinapatibay din nito ang pagkakaisa sa lipunan kung saan ipinapadala ang volunteers sa mga lugar o komunidad na nangangailangan ng tulong dahil sa kahirapan o dahil sa pananalasa ng ibat-ibang uri ng kalamidad.

“Napakalaki ng kahalagahan ng pagvo-volunteer especially sa panahon ng crisis, binibigyan nito ng pagkakataon na makapag contribute ang mga tao sa kani kanilang mga komunidad lalong lalo na sa simbahan, Pinapatibay din ng pagvo-volunteer ang sense of unity, empathy and solidarity ng mga tao. Kapag sama sama nating hinaharap ang mga pagsubok, nagiging mas matatag tayo sa pagharap sa mga maari pa nating kaharapin na mga krisis,” ayon pa sa mensahe ni Devara.

Para sa mga nais maging volunteers ng Caritas ISLaS ay maaring makipag-ugnayan sa Caritas Manila sa mga numero bilang (02) 8-5-6-2-0-0-2-0 to 25 local 131 o magpadala ng mensahe sa official Facebook page ng Caritas Islas.

Sa tala noong Pebrero 2024 ay mahigit limang libo na ang mga volunteers ng Caritas ISLaS sa iba’t-ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa.
Sila ay mula sa magkakaibang Social Service Development Ministry na katuwang ng mga volunteers ng iba’t-ibang Social Action Centers ng simbahan sa Pilipinas para mapadali ang pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga mahihirap na Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 75,722 total views

 75,722 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 98,881 total views

 98,881 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 120,155 total views

 120,155 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 284,874 total views

 284,874 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top