Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manindigan sa mga teritoryo ng Pilipinas, panawagan ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

 17,373 total views

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga kabataan at mamamayan na gamiting inspirasyon ang paggunita ng Araw ng Kagitingan upang manindigan para sa mga teritoryo na inaangkin ng mga banyaga.

Ayon sa Obispo, ito ay upang mapalakas ang mga pagkilos at paninindigan ng mga Pilipino para sa inaangking West Philippine Sea ng China kung saan nananatiling banta ang mga imprastraktura at malalaking Chinese Coast Guard, Navy at Fishing Vessels.

Nasa araw po tayo ng kagitingan, ito po ay isang araw na paalalala po sa atin ng ating pagsasakripisyo ng mga kababayan natin sa kanilang Death March noong panahon ng giyera, ipinakita po nila at ng kanilang pagtitiyaga ang kanilang kagitingan na ipaglaban ang ating bayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Umaasa ang Obispo na ang Araw ng Kagitingan ay maging inspirasyon para sa mga kabataan na huwag mangamba at sa halip ay higit pang palawigin ang kanilang kaalaman hinggil sa usapan.

Hinimok din ng Obispo ang mamamayan na paigtingin ang pagkakaisa sa pananalangin upang i-adya ng Panginoon mula sa anumang kapahamakan ang mga mangingisda o uniformmed personnel na namamalagi sa West Philippine Sea upang maghanap-buhay o bantayan ang teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas.

Mayroon ding mga banta din sa ating bansa, pinakabanta ngayon ay yung sa West Philippine Sea na inaagaw ang ating karagatan kaya dito ay ipakita din po natin na nababahala po tayo at maging concern tayo sa mga bagay na ito, wag tayong magpatakot, wag manghina ang loob natin kahit na malaki ang kalaban basta mahalaga magkaisa ng pagpapahayag na hindi dapat aagawin ang ating bayan, ang ating teritoryo, ngayon din po ay sikapin po natin na magdasal para po sa ating bansa, pagkakaisa ng ating kapayapaan at ang ating komunidad, ang ating bayan, sana po hindi mawala ang kagitingan sa ating mga Pilipino,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Bilang pakikiisa naman ng mga sibiliyan para sa teritoryo, muling isinusulong ng Atin Ito: West Philippine Sea Movement! ang pagkakaroon ng ikalawang civillian led resupply mission sa lugar.
Layunin itong maidaos ngayong summer season upang ipakita sa mga Pilipino na mahalaga ang paninindigan at pagsuporta sa mga hakbang na itataguyod ang soberany ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,508 total views

 6,508 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,608 total views

 14,608 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,575 total views

 32,575 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,934 total views

 61,934 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,511 total views

 82,511 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 6,532 total views

 6,532 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top