Naglahong pera na naman?

SHARE THE TRUTH

 71,254 total views

Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon.

Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Bago mag-Semana Santa, ibinulgar ni Senador Sherwin Gatchalian ghost students ang mahigit 19,000 na senior high school students na nasa ilalim ng voucher program ng DepEd. Lumabas ito sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education kung saan tinalakay ang malaking halagang sinisingil ng mga pribadong paaralan mula sa voucher program ng gobyerno. Aabot kasi sa 239 milyong piso ang kailangang i-refund ng pamahalaan sa mga paaralang kasali sa programa. 

Nanghihinayang si Senador Gatchalian—at dapat tayo rin—sa subsidy program na itinatag para sa mga senior high learners na kapos sa buhay. Ganitong karami—19,000 na estudyante—ang hindi matukoy o mahanap. Ayaw silang tawagin ng Private Education Assistance Committee (o PEAC) na ghost students. ”Undocumented voucher program beneficiaries” daw ang tamang termino.

Ilang araw pagkatapos ng pagdinig, natuklasan din ng komite ni Senador Gatchalian na lampas kalahati (o 53%) ng alokasyon para sa senior high school voucher program ay napakinabangan ng mga estudyanteng hindi naman mula sa mahihirap na pamilya. Sa 13.7 bilyon pisong inilaan para sa programa noong school year 2021-2022, 7.2 bilyong piso ang napunta sa mga senior high school students na “nonpoor” o hindi naman maituturing na nangangailangan ng subsidiya. “Wastage and leakage” daw ito, giit ng senador. Sayang nga kung totoong napunta sa mga hindi nangangailangan ang pera ng programang layong tulungan ang mga mahihirap na estudyanteng nais magtapos ng high school. Ang voucher ay nagkakahalaga ng mula ₱14,000 hanggang ₱22,500. 

Nakatulong din sana ang voucher program upang mabawasan ang pagsisiksikan sa mga pampublikong high school. Gamit ang vouchers, maaaring mag-enroll ang mga nangangailangang estudyante sa mga pribadong paaralang kalahok sa programa. Pero, ayon pa rin sa datos mismo ng gobyerno, mahigit kalahating milyong senior high school students ang walang regular classrooms. Kung naging maayos lamang ang pagpapatupad ng gobyerno ng voucher program, nasolusyunan sana ang congestion sa ating mga paaralan.

Maliban sa kabiguang maabot ang mga dapat maabot ng senior high school voucher program, napakalaking pera ng taumbayan ang napunta sa mga mali o kaya naman ay mga hindi matukoy na mga benepisyaryo. Paanong nakalusot ang mga ito? May paliwanag ba ang DepEd? O hahayaan na lang itong malimutan ng publiko, katulad ng misteryosong confidential funds na naglahong parang bula sa loob ng kulang-kulang dalawang linggo?

Obligasyon ng lahat na mag-ambag sa tinatawag nating common good o kabutihang panlahat, isang mahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan. Pero may natatanging papel ang gobyerno sa pagtitiyak na nariyan ang mga kondisyong nagbibigay sa atin ng pagkakataong maging mga produktibong bahagi ng lipunan. Kasama rito ang pagtulong sa mga nangangailangan at mahihirap. Ito ang diwa ng senior high school voucher program—ang tulungan ang mga walang kakayanan sa buhay na makapagtapos sa pag-aaral nang sa gayon ay makapagtatrabaho sila, mapaunlad ang kanilang sarili, makatulong sa kanilang pamilya, at makapag-ambag sa ating ekonomiya. “Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,” sabi nga sa Mga Kawikaan 16:16, gaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga natin dapat sa edukasyon.

Mga Kapanalig, huwag sanang masira ang senior high school voucher program ng mga mapagsamantala. Huwag sana itong magamit sa maling paraan. Huwag sana itong maging instrumento ng katiwalian. Kung mangyari ang mga ito, hindi lamang ninanakawan ang kaban ng bayan; ninanakawan din ng kinabukasan ang kabataang Pilipino. 

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 35,500 total views

 35,500 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 40,918 total views

 40,918 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 47,625 total views

 47,625 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 62,419 total views

 62,419 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 68,575 total views

 68,575 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 35,501 total views

 35,501 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 40,919 total views

 40,919 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 47,626 total views

 47,626 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 62,420 total views

 62,420 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 68,576 total views

 68,576 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,666 total views

 40,666 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,250 total views

 51,250 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,467 total views

 59,467 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,700 total views

 43,700 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,676 total views

 49,676 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,769 total views

 52,769 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,474 total views

 42,474 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,362 total views

 43,362 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,665 total views

 58,665 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,074 total views

 71,074 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top