Mga katutubong pinaasa at pinalayas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 77,294 total views

Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan ang isang pari at ang kapitan ng barangay. Kinansela kasi ng Department of Agrarian Reform (o DAR) ang Certificates of Land Ownership Award (o CLOA) na nagbibigay sa mga katutubo ng karapatang ariin ang lupang ipinamahagi sa kanila ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Mayo noong nakaraang taon pa nang kuwestyunin ang pagkaka-award ng mga lupa dahil hindi naman daw akma ang mga ito para gawing sakahan. Pinagbigyan ng DAR Western Visayas ang petisyon ng mga property developers na bawiin ang 4,800 square meters na lupang ipinagkaloob sa labinlimang pamilyang Ati sa Barangay Manoc-Manoc. 

Pinanindigan ito ng DAR. Hindi na raw sakop ang lupang ibinigay sa mga katutubo ng panahon kung kailan isinama sa pag-issue ng notice of coverage ang mga pribadong lupa. Nag-expire na raw ito noong 2014, samantalang ang pag-a-award ng CLOA sa mga katutubo ay ginawa noong 2018. Wala rin daw bisa ang Executive Order No. 75 ni Pangulong Duterte na nagkaloob ng lupa sa mga Ati. Una sa lahat, hindi naman daw gobyerno ang may-ari ng lupang ipinamahagi sa pamamagitan ng naturang kautusan. May legitimate claimant daw ito. At dahil hindi nga ito akma para sa agrikultura, exempted ang ganitong lupa sa Republic Act No. 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988. 

Sa isang banda, mahalagang sundin ang batas, gaya ng iginigiit ng DAR. Sa kabilang banda naman, bakit naman hinayaan ng ahensya na matuloy ang pamamahagi ng lupa sa mga katutubo kung hindi naman pala ito sakop ng agrarian reform program ng gobyerno? Bakit naman nila pinaasa ang mga kapatid nating katutubo na sa wakas, ang lupang matagal na nilang tinitirhan ay mapapasakanila na? 

Ang nakalulungkot pa, ginagamit ang nangyaring ito sa mga Ati sa pamumulitika. Pinalalabas na binawi ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang lupang ipinamahagi ng pinalitan niyang administrasyon. Tila ninakawan daw ng lupa ang mga katutubo, gaya ng naging laganap noong rehimen ng kanyang ama. Samantala, tila nagpabango lang daw ng pangalan ang dating Pangulong Duterte gamit ang isyu ng lupa. Hindi naman pala sang-ayon sa batas ang ginawa niya pero itinuloy pa rin para palabasing siya ay makamasa.

May mas malaking isyu sa usaping ito. Mas nangingibabaw nga ba dapat ang pribadong pagmamay-ari kaysa sa kapakinabangan ng mga kababayan nating matagal nang nakatira, katulad ng mga katutubong Ati? 

Bagamat kinikilala at iginagalang ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan ang pribadong pagmamay-ari o private property, mas manaig dapat ang prinsipyo ng universal destination of goods o, sa Filipino, ang pangkalahatang layunin ng mga bagay sa mundo. Ang karapatang magmay-ari ay may hangganan. Ang mga may pribadong ari-arian, katulad ng lupa, ay inuudyukang magbahagi sa kanilang kapwa sa ngalan ng kabutihang panlahat o common good at ng kaligtasan mula sa kapahamakan, lalo na ng mga mahihina at isinasantabi. Karapatan ng taong makamit ang bunga ng kanyang pagsusumikap, ngunit pakatandaan natin ang lahat ng bagay sa mundo ay nilikha at ipinagkaloob ng Diyos para sa lahat. 

Mga Kapanalig, gaya ng pahiwatig sa Levitico 6 kung saan “ang sumira sa kasunduan” ay kailangang ibalik ang nawala o binawi, nangako ang DAR na ililipat sa lupang pagmamay-ari ng gobyerno ang mga katutubong pinaasa at pinalayas. Kung ganito naman pala, hindi na sana umabot sa kanilang pagpapalayas ang pagkiling sa mga pribadong may-ari ng lupa.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,713 total views

 62,713 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,582 total views

 58,582 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,784 total views

 94,784 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 102,951 total views

 102,951 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,040 total views

 127,040 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,714 total views

 62,714 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,583 total views

 58,583 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,785 total views

 94,785 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 102,952 total views

 102,952 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »
Scroll to Top