Kauna-unahang EJK memorial site, pasisinayaan sa labor day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,162 total reads

Nakatakdang pasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom’ na magsisilbing himalayan ng mga biktima ng extra-judicial killings.

Inihayag ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder and President Fr. Flavie Villanueva SVD na layunin ng ‘Dambana ng Paghilom’ na kauna-unahang EJK Memorial Site na mabigyan ng dignidad at pagpapahalaga ang lahat ng mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang naaangkop na himlayan at huling hantungan.

Ayon sa Pari, ang ‘Dambana ng Paghilom’ ay isa ring paalala sa kahalagahan at kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang na tila nakalimutan ng mga mamamayan sa ilalim ng pamamahala ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“Para sa akin ang kahalagahan nitong memorial site, isang himlayan na may dangal ay isang pagpapakita na ang tao ay may dangal, ang tao ay dapat pagpahalagahan buhay o patay. Ito yung nakalimutan ng mga tao noong anim na taon na patayan ni [dating Pangulong] Rodrigo Duterte na walang habas na pinatay, pinaslang ng walang kalaban laban…” pagbabahagi ni Fr. Villanueva sa naganap na groundbreaking ceremony sa Dambana ng Paghilom noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Nakatakda ang opisyal na inauguration ng Dambana ng Paghilom sa Mayo-a-uno, 2024 sa La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City.

Inaanyayahan naman ang mga nagnanais na makibahagi sa pagpapasina sa kauna-unahang EJK Memorial Site na magsuot ng kulay putting damit bilang pakikiisa at suporta sa mga kapamilya ng mga biktima ng EJK.

Una ng inihayag ni Fr. Villanueva na aabot sa 400 na mga urns ng mga biktima ng EJK ang maaring ihimlay sa 100 espasyo ng Dambana ng Paghilom kung saan tatlo hanggang apat na mga urns ang maaring magkasya sa bawat isang espasyo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 9,968 total reads

 9,968 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 30,522 total reads

 30,522 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 96,172 total reads

 96,172 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 181,538 total reads

 181,538 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 228,274 total reads

 228,274 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 276,148 total reads

 276,148 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 375,239 total reads

 375,239 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top