Manggagawa: Naway maging kasangkapan sa pangangalaga ng mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,030 total views

Hinimok ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya, lalo na ang mga manggagawa, na maging kasangkapan sa pagpapahalaga at pangangalaga sa lahat ng nilalang ng Diyos.

Ayon kay Bishop Mallari, ipinapaalala ng Diyos sa lahat na ang bawat paggawa ay halimbawa ng pakikiisa sa kakayahang maglalang ng Maylikha.

Ang mensahe ng obispo ay kasabay ng Dakilang Kapistahan ni San Jose, Manggagawa na itinuturing na huwaran ng mga manggagawa dahil sa walang kapagurang pagtatrabaho upang mapangalagaan at matiyak ang pangangailangan ng kanyang pamilya kasabay ng pagtalima sa utos ng Diyos.

“Kung papaano pagkatapos lalangin ng Diyos ang lahat, nakita niya na maganda ang lahat. Ito din ang paanyaya sa atin na pagbutihin ang lahat ng ginagawa at tumulong upang lalo pang gumanda ang mundo na tinitirhan natin,” mensahe ni Bishop Mallari mula sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Mallari na matapos likhain ng Diyos ang sanlibutan ay inatasan Niya ang tao na maging katiwala ng sangnilikha upang ito’y higit na pangalagaan at pagyabungin.

Panawagan naman ng obispo sa lahat na pahalagahan din ang mga manggagawang inilalaan ang buhay upang mapangalagaan ang kalikasan laban sa pang-aabuso at pananamantala, alang-alang sa kapakanan ng mga susunod pang henerasyon.

Batay sa huling ulat ng Global Witness, sa nakalipas na isang dekada, nananatili pa rin ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga land at environmental defenders kung saan naitala ang 281 pagpaslang.

Una nang nabanggit sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang panawagan sa mamamayan at mga may katungkulan sa pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang walang kabuluhang pakikitungo sa mga environmental defenders at mga katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 30,532 total views

 30,532 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 39,896 total views

 39,896 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 66,352 total views

 66,352 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 115,907 total views

 115,907 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 119,083 total views

 119,083 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top