Mamamayan, pinag-iingat ni Cardinal Advincula sa paggamit ng AI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,081 total views

Ipinaparating ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa bawat isa ang kahalagahan ng pagpapatibay ng relasyon sa pamamagitan ng simpleng pakikipag-usap sa kapwa bilang mensahe sa 58th World Social Communications Day sa May 12.

Ayon sa Arsobispo ng Maynila, bagamat nakakatulong para sa sangkatauhan ang pag-usbong ng teknolohiyang nakakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay ay mahalaga parin ang pakikipag-komunikasyon sa kapwa.

Ipinaalala naman ni Cardinal Advincula ang pag-iingat mula sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) dahil sa panganib na mapabilang ang isang mamamayan sa hindi totoong komunidad o relasyon na likha mula sa AI.

“when intelligence is artificial, we can easily fall into superficial relationships and pretentious human communities, Pope Francis in his message for the 58th World Communications Day exhorts us to begin with the human heart, before all else, we must start with the human heart if we are to successfully face the challenges of cyberspace, we start with the space where we are most humans in our hearts,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula.

Paninindigan pa ng Opisyal ng simbahan na kailanman ay hindi malilikha ng AI ang puso na kawangis ng sa tao dahil ang Panginoon lamang ang mayroong kakayahang lumikha nito.

Umaasa si Cardinal Advincula na mapaigting din mga magulang, guardians at iba pang umaaruga sa susunod na henerasyon ang pagtuturo ng wastong pakikipag kapwa-tao upang sa kabila ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay mas piliin parin ng sangkatauhan ang pagpapatibay ng relasyon sa totoong buhay sa halip na online at digital platforms.

“Dear Parents, you are called to grow together with your children and humanity and as humanity, learning to be human sounds basic and sounds so simple, but it is fundamental and essential, if we fail to be human as God has intended us to be, it will be very difficult to navigate immense the digital universe,” ayon pa sa mensahe ni Cardinal Advincula.

Ngayong taon, bilang paggunita sa ika-58 taong anibersaryo ng World Social Communications Sunday itinalaga ng Holy see ang tema sa ‘Artificial Intelligence and The Wisdom of The Heart: Towards Fully Human Communication’.

Una naring isinulong ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pag-iingat sa paggamit ng AI dahil sa panganib ng kawalan ng kaalaman ng mga mamamayan upang alamin ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,487 total views

 17,487 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,501 total views

 67,501 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,370 total views

 63,370 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,399 total views

 99,399 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 107,195 total views

 107,195 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top