Liham Pastoral: Pangangalaga ng mga Punong Kahoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 122,468 total reads

“Gumawa ang Panginoong Diyos ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang…Inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pagyamanin at pangalagaan.” (Gen 2:8.15)

Mahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay,

Naranasan po natin sa loob ng tatlong buwan ang matinding init. Halos hindi tayo makapagtrabaho, sinuspende ang pag-aaral ng mga bata, natuyo ang marami nating mga tanim, pati ang mga balon at mga batis. Mainit na rin pati ang dagat, kaya namamatay pati ang mga tanim nating seaweeds. Ang nakakatakot ay may mga dalubhasang nagsasabi na ito ay maaaring mangyari sa atin taon-taon, at lalo pang titindi. Talagang dumadating na ang Global Warming, at ito ay nangyayari na sa ating panahon! Huwag lang nating tanggapin ito. May kagagawan ang tao sa pagdating ng Global Warming. Inabuso natin ang ating kalikasan. Sa halip na ito ay pangalagaan bilang mabubuting katiwala ng Diyos, sinira natin ito at pinagkakitaan pa. Pati na tayo sa simbahan ay may kasalanan din dito. Nagpalusot tayo ng mga kahoy na bawal putulin kakontsaba ang mga iligalista sa dahilang pinagagawa natin ang simbahan, ang kumbento, o anumang proyekto natin. Pagsisihan natin ito at mangako tayo na hindi na natin ito gagawin uli. Kung gagamit man tayo ng kahoy, huwag tayong kumuha ng mga kahoy na pinagbabawal, tulad ng ipil, narra, atb.

Pero hindi lang sapat na hindi na natin pagsasamantalahan ang ating mga punong kahoy. Dito sa ating Bikaryato sa Northern Palawan pagsikapan nating pagyamanin at pangalagaan ang ating mga punong kahoy. Sugpuin natin ang mga nag-iiligal. Ipagtanggol natin ang ating kagubatan. Huwag natin idadahilan na ito ay hanap buhay lamang kasi nararanasan na natin na tayong lahat ay nagdurusa ng tag-init at tag-tuyo dahil sa pagpuputol ng mga mahahalagang puno sa ating kagubatan. Maaari namang maghanap sa paraan na hindi nakakapinsala sa iba at sa kalikasan. Tandaan po natin na kasalanan ang pag-iiligal. Hindi lang ito kasalanan kasi labag sa batas ng tao. Kasalanan ito dahil sa pagsisira ng magagandang nilikha ng Diyos, pagkawala ng samot-saring buhay (bio diversity), at pagpapahirap din sa kapwa tao, lalo na sa mga susunod na generasyon. Sinasaktan natin ang kagubatan, sinasaktan natin ang Diyos na Maylikha, at sinasaktan at pinahihirapan natin ang ating kapwa.

Upang mapangalagaan ang kagubatan, karagatan at kabundukan natin, magtanim tayo ng mga puno. Ang bawat pamilya ay magtanim at pangalagaan ang mga itinatanim. Magtanim ng mga bakaw, magtanim ng mga puno na namumunga, magtanim ng mga katutubong puno. Ito ay bahagi ng ating pagiging mabubuting katiwala. Matagal tumubo at lumaki ang mga puno, pero kung magtatanim na tayo ngayon na nagsisimula nang umulan, malaki ang pagkakataon na sila’y mabuhay at lumaki nang sa gayo’y talagang nagtatanim na tayo para sa isang magandang kinabukasan. Malaki ang nagagawa ng mga puno na pawiin ang pagka-uhaw ng lupa at mga tanim at magdala ng ulan sa atin.

Hinihikayat ko ang mga Parokya, mga mission stations, mga chapels at mga kriska natin na magkaroon ng programa ng pagtatanim ng mga puno. Tayo mismo, bilang simbahan ay hindi na magpapalusot at gumamit na mga iligal na mga kahoy. Bantayan natin ang ating mga kagubatan at makiisa sa mga opisyales ng pamahalaan na may puso na pangalagaan ang ating mga bakawan at kagubatan. Magkaroon din ng programa sa pagtatanim at pagpapalaki ng mga puno. Magkaroon tayo ng nursery ng mga puno sa mga Parokya at chapels upang may maitanim tayo. Kahit na maliit lamang ang Northern Palawan may maiaambag din tayo upang labanan ang pag-iinit ng panahon. Ito ay isang tanda din ng ating pag-ibig sa Diyos na Manlilikha.

Ang inyong kapwa katiwala ng kalikasan,
Obispo Broderick Pabillo
Obispo ng Bikaryato ng Taytay
Ika- 26 ng Mayo, 2024

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,290 total reads

 55,290 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,663 total reads

 134,663 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,108 total reads

 168,108 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,406 total reads

 203,406 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,709 total reads

 427,709 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 11, 2026

 10,992 total reads

 10,992 total reads 28th Sunday in Ordinary Time Cycle A Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Is 25: 6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22: 1-14 Kasaganaan! Iyan

Read More »

Homily October 4, 2026

 16,524 total reads

 16,524 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »

Homily September 27, 2026

 18,465 total reads

 18,465 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 31,635 total reads

 31,635 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »
Scroll to Top