17,832 total views
Tiniyak ng Archdiocese of Cotabato ang pangangalaga sa mental health ng mga biktima ng pagpasabog sa Sto. Niño Chapel nitong May 19.
Ayon kay Archbishop Angelito Lampon, mahalagang hakbang ito upang matugunan ang labis na pagkatakot ng humigit kumulang 20 indibidwal na biktima ng insidente.
“We have scheduled a debriefing for all those who attended the Bible Service that Sunday, to help them overcome their trauma,” pahayag ni Archbishop Lampon sa Radio Veritas.
Ibinahagi ng arsobispo na nangyari ang pagsabog ng granada habang umaawit ng ‘Ama Namin’ sa isinagawang ‘Kasaulugan sa Pulong’ bilang pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes.
Mariing kinundena ni Archbishop Lampon ang karahasan na ikinasugat ng dalawang katao subalit patuloy na ipinapanalangin ang pagpanibago ng puso ng mga nasa likod ng krimen.
“I condemn the act as very unfortunate, but we pray for the perpetrator of the crime,” ani Archbishop Lampon.
Itinuring ni Archbishop Lampona himalang nakaligtas ang mga nagkatipon sa kapilya habang bahagyang nasugatan ang dalawang katao sapagkat sa pagsusuri ng Philippine National Police sa lugar lubang mapaminsala ang granadang inihagi lalo’t maliit ang espasyo ng Sto. Niño Chapel.
Kinundena naman ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang nangyaring karahasan kasabay ng pagdiriwang sa mahalagang kapistahan ng kristiyanong pamayanan habang tiniyak ang pakikiisa at suporta Catholic community ng Cotabato at sa lahat ng mamamayan ng Bangsamoro region.